Coming soon - Get a detailed view of why an account is flagged as spam!
view details

This post has been de-listed

It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.

64
Salamat sa pagbasa at sana maunawaan niyo.
Post Flair (click to view more posts with a particular flair)
Post Body

CW a bit of a divisive issue, all opinions come here yea but pls be kind ( 1 reddit ligtas point yey), also dark humor

Isa akong PWD under the psychosocial disorder category, particularly chronic depression. I experienced symptoms beginning 2013 but I only had it diagnosed 2017. I have had generations older than me tell me that I just need to pray and mindset ko lang yan. I have had younger ones tell me to fuck off with my bullshit. I have depression. It is not an identity, nor a personality but a real disease of the mind. Hindi lahat ng tao sa Pilipinas naiintindihan yan. It took me a while to accept it, and I have had experiences in the past where strangers or people in public question bakit ako pumipila sa PWD lane, side glances of people in LRT/MRT checking bakit nasa PWD lines ako, cashiers na titingnan ka, tapos ID mo, tapos ikaw nang paulit-ulit kasi iniisip nila ikaw ba yung PWD or hindi. Nasanay na din ako. But this post is not really about that. Gusto ko lang i-establish kung anong background ng mental health sa topic na ito.

Sana maging legal ang marijuana sa Pilipinas.

Ang laking ginhawa niyan. Maraming positive and negative implications yan, I know, and marami ring polisiya at govt infrastructure na dapat ilagay nang tama para maging responsable ang pagkonsumo. (Plus, research, eto kailangang kailangan kasi isa ito sa mga dahilan kaya takot ang tao sa halaman, at information campaigns para komprehensibo yung pag-intindi sa kanya hindi bilang droga kundi gamot)

I take my weed medically (or at least, in control) and it greatly helps improve my way of living.

To those curious: I take sativa-based strains and lokks (medyo sativa-dominant ang lokks natin), no hate sa indica coz I take those when I wanna sleep and rest my body. Binabasa ko ang kada strain ng weed depende sa review ng mga tao dito online. Syempre, iba pa din kapag tinry mo yung strain. Experience > Review. I also use my college laboratory training and cooking skillz to transform weed to edibs, and I plan on quitting smoking and transitioning to edibs fully pag nagawa ko na siya nang matino para healthy heart yey. (Wala pa akong oven tho haha) I also want to grow weed medically sa aking bahay kasi I love planting plus shet unli weed baka makatulong pa ako sa iba. I feel confidently responsible with how I handle weed.

As to how I think weed helps my way of living, here are things that weed made me realize and achieve:

  • i have more energy and it helps me move around (more movement > more exercise > helps depression)
  • mas kinakaya ko ang magtrabaho, kailangang rumaket ng pwd stoner niyo lol
  • mas may motibasyon ako para sa aking sarili, hindi ko na iniisip na wala akong kwenta, na tumalon nalang ako sa [insert your favorite platform here], hindi ko iniisip na napaglipasan na ako ng mga kasama, kaibigan, at mga kapamilya ko
  • i quit vaping, limited my porn and alkohol consumption (socially nalang, YUNG ALKOHOL HA haha), i read more, i sleep better, i eat better mas may appetite ako, i control my breathing better, mas madaldal ako haha
  • i feel kinder to the world, napakahirap at napakagulo ng mundong ito, simula nung nagchongke ako mas natutunan kong kilalanin ang sarili at kung papano ako magiging matino at responsable sa mundo (i introspect while high, tapos suggestion: basa kayo ng shit like buddhism, or karl marx communist manifesto, or bible madami kayo matututunan, or pakinggan niyo lang mga huni ng ibon at ang paghinga ng kagubatan sarap din legit) at siguro mas naging mabait ako sa kapwa ko (I am spiritual, wala akong kinikilalang relihiyon, laking Catholic-school, was devout before then lyf happened)
  • i feel stable, weed made me understand how stable my life is and how i should just carry on and things will follow through if i give enough effort, enough interest, and enough determination to reach my goals, yup sometimes life sucks and that varies in degrees and circumstance and time per person but mas naging kalmado ako sa kung papaano ko desisyunan ang buhay ko at kung papano ako magrereact sa mga nangyayari all around me

Sana malaman niyong nakakatulong ang marijuana sa katulad ko at hindi lang sa akin, pati sa ibang taong may sakit sa ibang parte ng katawan nila. Gamot po ang marijuana. Halamang gamot.

--AT

Isang napakalaking "AT" nito kasi punyeta hirap mabuhay sa Pilipinas (alam naman natin yang lahat right? HAHA) kung mahirap ka, kahit papano pwede ka magpalago nito kahit saan tapos magagamit mo panggamot lagay mo lang sa paso o sa tabing lupa niyo tapos pag-uwi mo sa bahay after a long fucking day being corporate slaves/contractual workers/mga taong stuck sa traffic kasi punyetang traffic yan hindi na maayos ayos, pwede ka sumindi at magpahinga kahit wala kang pera at pagal sa buhay tapos kung may sakit ka pa kayang makatulong ang marijuana even better (pwedeng gulay din marijuana, pwede ilagay sa sinabawang ulam parang bet ko sinigang na chongke)

Some people may ask me for a doctor's prescription, or ask me kung alam ko ba talaga ginagawa ko sa paggamit ko, or kung sinong mental health professional nagsabi sayo na nakakatulong yan (tbh wala, isang isyu pa ito kasi walang kwenta mental health system ng Pilipinas, it's improving but we really need to do better) or kung alam ko bang masusunog ako sa dagat dagatang apoy dahil sa paggamit ko ng isang halamang nilagay ni Bathala sa daigdig na ginawa niya para sayo at sa akin, at kailangan lang nating maging responsable sa paggamit ng kanyang mga likha?

On the subject of addiction, I believe that in our lifetime, in the only known lifetime that we have, may mga gamit, gamot, tao, hilig, interes, paniniwala, tradisyon, na humahawak sa ating buhay, weed CAN be one of them at kaya mahalagang maipaintindi sa mga gagamit at sa mga makikipamuhay sa paggamit ng marijuana ang dahilan kung bakit ito isasabatas at gagawing legal. Gaya ng kung papano natin tinatrato ang alkohol, nikotina, korapsyon, at family dynasties sa bansa. Kung alam natin kung papaano gamitin, hindi natin aabusuhin diba? At dapat kasabay nun yung angkop na pagiging wasto natin sa paggamit as stoners kasi, tayo ang magrerepresenta nito sa mga taong hindi nakakaalam.

In my healing journey with this plant, the plant holds you until you become responsible in letting it go, ganito ko tinatrato ang marijuana. I have used it for around 2 years now. I only had 2-3 depression episodes in those 2 years compared to the 8 years na medically diagnosed ang depression ko. I am calm, stable, and sometimes happy despite, life.

Marijuana helps me.

Teach everyone to be responsible, make it legal. Then to those who will use it, be fucking responsible.

Palayain ang halaman.
Salamat sa pagbasa at sana maunawaan niyo.

Author
Account Strength
90%
Account Age
5 years
Verified Email
Yes
Verified Flair
No
Total Karma
1,692
Link Karma
1,429
Comment Karma
263
Profile updated: 3 days ago
Posts updated: 1 week ago

Subreddit

Post Details

We try to extract some basic information from the post title. This is not always successful or accurate, please use your best judgement and compare these values to the post title and body for confirmation.
Posted
4 months ago