This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Hello po! Pa rant lang ulet. Simula pa nung Grade 10 at 11 ako ay naghahanda na para sa college. Nag iisip na ako Kung ano kukunin Kong course at anong school ang pag aapplyan ko. Sa course Ko ay nag desisyon na Lang ako maging practical, at nag base na lang ako kung makakaya Ko ba tong course na to sa college at I guess sa interest Ko. Tapos grade 12 na ako, nag oopen na yung mga admissions sa mga state universities. So nag apply ako sa 3 na state u sa Manila tapos isa sa Batangas.
Fast forward, nag release na sila ng results at lahat puro ndi pasado ahahaha. Yung Batangas actually yun talaga sana hope kong ipasa kaso nung nag entrance exam ako. First time Ko rin ito mag entrance exam, kaya kabado ako nun at ndi alam ang gagawin ahaha. Nung nag exam ako ay halos nasa kalahati lang nasagutan ko kada part dahil ang liit ng time para sa each part. Eh si ako nag take ako ng time bawat isa sa number HAHAHAHA. Mali Ko Yun at sorry ahuhuhu. Madadali lang yung mga tanong pero kailangan mo Lang talagang mabilis mag sagot.
Pero wala na akong magagawa, nangyari na. Pero ndi Ko pa rin Kayang tanggapin na sa lahat ng inapplayan Ko ay wala man Lang isa pasado ahaha. Bumababa tuloy tingin Ko sa sarili. Yung expectations Ko SA sarili ay masyadong mataas pa, sa kakayahan Ko ngayon Kaya Baka nag failed din ako. Pero I guess that's life. Hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. Pag bubutihin Ko na Lang sarili ko sa college. Grateful pa rin ako dahil makakapag college ako kahit private.
PS. nag apply pa nga pla ako sa TUP pero I'm contemplating pa if itutuloy Ko pa if ever mag email sila sa akin Ng Sched of exam. Sa totoong Lang pagod na ako mentally sa Kaka received Ng rejection ahahaha.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 year ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/studentsph/...