This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Context: May mga problem kase ako sa sarili ko. Madalas akong late sa work, tapos kapag work from home naman ay mag sign in lang ako tapos matutulog for 2-3 hours. May mga maling decisions din ako sa life like nagpautang ako ng pera tapos nung need ko na eh wala akong makuha. Working professionally ako pero yung fashion ko ay hindi aligned like shirt, maong pants, at rubber shoes lang. Marami pang iba.
Sabi nya, hindi nya raw alam gusto nyang gawin sa relationship namin, kung magpapahinga lang ba muna / cool off / break up na. Naisip nya yang mga yan dahil sa ugali ko. Halos more than 1 year na nya akong sinasabihan pero walang pagbabago. Magkaroon man ng changes eh for 2 weeks lang tapos balik ulit sa dati. Tapos sinabi nya rin na nung nasa field sya(public med worker siya) marami syang bata na nakikita at sumasagi sa isip nya ang magpamilya at anak. Naiisip nya to dahil daw sa walang changes sa akin at yung nadidisregard/invalidate sya.
Nagmakaawa akong ayusin namin at magbabago ako in which serious naman na ako this time kase para na rin to sa ikabubuti ko. Then nasabi ko pa na sya na yung nakikita kong kasama lifetime. Then bigla nyang nasabi na hindi na nya kayang i-offer sakin yung lifetime na gusto ko dahil nga nabawasan na yung love nya sakin(babalik nanaman dun sa reason kung bakit sya nadedetach) all because of ugali ko.
Then sa huli, sabi nya i-try nya raw pero wag ko na syang mahalin ng sobra. Dapat daw mahal lang ganun hindi sobra.
Ngayon yung communication namin ay same pa rin pero hindi maalis sa isip ko na may taning na yung relationship namin na anytime eh makikipagbreak sya. Tipong pinagre-ready nya lang ako bago nya gawin yun. Tapos kapag naiisip kong mawawala na sya sa buhay ko eh naiiyak ako at nanlalamig at feeling ko hindi ko kaya.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 year ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/relationshi...