This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Nakaka proud lang, ang ganda ng trabaho ng kaklase/tropa ko nung college. Naalala ko dati, ito yung lagi ko ginugrupo kasi nagmamakaawa siya sakin na kunin ko siya kasi wala tatanggap sa kanya sa groupings. Ou aaminin ko may pagka kolokoy din naman ako sa klase, pero kaya ko rin naman makipag sabayan sa reportings,recitation tsaka groupings. So kinukuwa ko siya kahit mahina siya sa klase.
In the end, di siya nakapag tapos ng pag aaral. Mas nag focus siya sa pag wowork niya. After 2 years nasa UK na siya, nag construction worker, nag housekeeping siya sa UK. Binibiro ko pa nga siya dati yung di niya nagagawa sa Pinas nagagawa niya lang sa UK hahaha. So ngayon caregiver naman siya, take note, without experience yan ah.
So ano nga ba message ko sa post na to? Hindi lahat ng mahina o mga bobo sa klase ay mga wala nang patutunguhan ang buhay. Sadyang gifted lang talaga yung iba dahil sa taglay na katalinuhan. Katulad ng tropa ko, di man siya katalinuhan, di man siya nakapag tapos ng pag aaral. Eto na siya ngayon, mas maganda yung buhay at work niya ngayon kumpara sakin hahaha, kaya dahil sa kanya naiinspire narin ako mag caregiver abroad hahaha.
Sana maging inspire o aral rin to sa iba na wag natin iismolin mga kaklase natin na mahina sa klase na aakalain naten na wala ng patutunguhan ang buhay in the future.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 2 weeks ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- i.redd.it/eco80zhqwibe1....