Coming soon - Get a detailed view of why an account is flagged as spam!
view details

This post has been de-listed

It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.

3
Tae (1993) [a tribute to GG Allin]
Author Summary
pilosopunks is in a tribute to GG Allin
Post Body

PLAY>

Mahaba ang pila sa labas ng nag-iisang CR sa Philippine Rabbit bus terminal, nakatayo ang dalawa pauwi ng probinsiya.

Goody: Pre, naisip mo na ba kung bakit may tae?

Mulong: Anong tanong 'yan, cho?! Syempre, para may dahilan kang tumakbo sa banyo. Cardio rin 'yon!

Goody: Hindi, pre. Parang iniisip ko, bakit ang tae, minsan ang bilis lumabas, minsan parang pinoprotesta pa?

Mulong: Kasi cho, may baltik din 'yan. Minsan chill lang, minsan parang galit na galit. Parang ikaw, topakin madalas!

Goody: Hahaha! Pero teka pre, ano bang pinakamalalang tae mo?

Mulong: Yung sa public CR cho, gaya nito. Walang tabo. Walang tubig. Yung tipong wala kang panghugas ni pamunas pero kailangan ka pa ring magbayad!

Goody: Grabe, paano mo na-solve?

Mulong: Eh di ginamitan ko ng sining. May tissue naman... kaso resibo sa grocery at ticket ng bus!

Goody: Tangina, pre! Eh paano kung wala kang kahit anong papel? [Napakanta: Sa bukid walang papel/ ikiskis lang sa pilapil]

Mulong: Kaya dapat lagi kang may medyas. Kaya ito cho, socks 'n' roll!

Goody: Ang tindi mo, pre. Pero alam mo ba, minsan sumakit tiyan ko habang nasa gig? Duon ba sa State of Confusion album-launching ng Phil Vio?

Mulong: O, anong ginawa mo?

Goody: Eh di tumakbo ko sa banyo. Pero puta, walang tubig!

Mulong: No way! Paano ka nakalabas?

Goody: Pre, andito pa nga ko hanggang ngayon. Hindi pa rin makalabas... sa trauma na inabot ko dun!

Mulong: Cho seryoso, ang tae ang pinaka-reminder na lahat ng tao pantay-pantay.

Goody: Paano?

Mulong: Kahit gaano ka kagwapo, kayaman o katanyag, tiyak pipigilan at titiisin mong hindi ito lumabas (o tumulo) pag nasa public ka, kase malaking kahihiyan. [Naalala nung Grade 1] At pag ilalabas mo na, nakaupo ka pa rin pag tumae!

Goody: Ang baho, este ang lalim pre. Pero minsan naiisip ko... paano kung ang tae may feelings din?

Mulong: Pucha cho, ayoko nang isipin 'yan. Baka pag-iri ko mamaya, may sumigaw ng "Wag po, wag po, koya, bakit ako?!"

Tawanan habang nakapila at natataranta sa paghahanap ng papel sa backpack ng isa't isa dahil susunod na sila... pero walang makita.

<<REWIND Noong unang panahon, nang ang mundo ay bata pa, ang mga tao ay nilikha na perpekto. Wala silang nararamdamang gutom, sakit, o kahit pagkapagod. Anuman ang kanilang kainin, nananatili ito sa kanilang katawan bilang enerhiya at hindi kailanman kailangang ilabas. Malinis ang lahat, walang marumi, walang mabaho, at ang mundo ay tila isang lugar ng walang-hanggang ginhawa.

Ngunit isang araw, napansin ng isang diyosang nagngangalang Excreta--ang tagapagbantay sa balanse ng kalikasan--na ang mga tao ay nagiging tamad at pabaya. Dahil walang kailangang ilabas mula sa kanilang mga katawan, kumakain sila nang sobra-sobra. Kinukuha nila ang lahat ng bunga, prutas, gulay, at hayop mula sa kalikasan nang hindi nag-iisip kung ano ang resulta nito sa mundo. Ang sobrang pagkain ay nagdulot ng pagkaubos ng mga halaman at hayop, at unti-unting naapektuhan ang timbangan ng daigdig.

Napagod si Excreta sa kakapanood sa mga tao na naging sakim at walang pakialam sa kalikasan. Kaya, isang araw, nagpasya siyang umakyat sa langit upang kausapin ang Tagapaglikha (a.k.a. Allah, Bathala, Brahma, Elohim, Isvara, Jah, Jehovah, Nana Buluku, Proletariat, Yahweh, atbp.)--ang pinuno ng lahat ng mga diyos.

Excreta: "Dakilang Tagapaglikha, ang mga tao ay nakakalimot nang magbigay-pugay sa kalikasan. Kinuha na nila ang lahat ng pagkain sa lupa at iniimbak ito sa kanilang mga katawan. Ngunit walang bumabalik sa mundo. Hindi ito tama!"

Tagapaglikha: "Ano ang iyong mungkahi, Dakilang Excreta?"

Dahil si Excreta ay diyosa ng balanse, nagkaroon siya ng ideya: "Bawat bagay na kinakain ng tao ay dapat iproseso ng kanilang katawan. Ang masustansiya ay mananatili para maging enerhiya nila, ngunit ang hindi kailangang bahagi ay kailangang ilabas upang maibalik sa lupa."

Sumang-ayon ang Tagapaglikha, kaya binigyan ni Excreta ang mga tao ng bagong sistema sa kanilang mga katawan. Tinuruan niya silang kumain nang tama, at ipinaliwanag ang bagong proseso ng kalikasan.

Excreta: "Mula ngayon, ang inyong katawan ay gagamitin lamang ang pagkaing kailangan ninyo. Ang natitira ay ilalabas nito bilang dumi na tatawagin nating 'tae' (a.k.a. bourgeoisie, etchas, feces, hugaw, kaka, kot, jebs, poop, saur, shit, etc.) Huwag kayong mahiya rito, sapagkat ang tae ay mahalaga. Kapag ito'y bumalik sa lupa, magiging pataba para sa mga halaman, at babalik ito bilang pagkain niyo. Ito ang siklo ng kalikasan."

Noong una, ang mga tao ay nalito at hindi natuwa. Unang Lalaki: "Ano?! May ilalabas kami mula sa aming katawan?! Ang dumi? Ang baho siguro!" Unang Babae: "Nakakahiya ito! Ayoko ng ganitong sistema!"

Ngunit nang makita nila ang epekto, napagtanto nila ang karunungan sa likod ng sistema ni Excreta. Ang mga halaman ay muling tumubo, ang mga hayop ay nagkaroon ng masaganang pagkain, at ang kalikasan ay bumalik sa dating balanse. Ang lupa, na minsang tumamlay, ay muling naging masigla dahil sa tae at ipot ng mga tao't hayop. Ang hangin at himpapawid ay nabahiran ng utot.

At mula noon, ang mga tao ay tumatae bilang tanda ng balanse sa kalikasan. Ang bawat ilalabas ng kanilang katawan ay paalala na ang lahat ng bagay sa mundo--kahit tila walang silbi, mabaho at basura man--ay may mahalagang papel sa patuloy na pagdaloy ng buhay.

PAUSE|| Ogag: "Erp, nabasa niyo na ba sa taliba? Yatap na si GG Allin! Tangna, literal na siya siguro ang pinakapetmalung oats sa buong eksena. Kung akala mo lomagu na ang haybu mo, basahin niyo lang ang 'wento niya. Peksman, 'di ka na magrereklamo!"

Mulong: "Pucha, siya ba 'yung nagbabate at tumatae sa entablado? Tapos, kinakain niya 'yung tae sa harap ng tao [coprophagia]? O kaya sinusubo 'yung lumalabas na tae sa ibang kabanda niya? Tapos sabay ibabato 'yung tae sa audience? Cho, ibang level 'yun! Wala nang mas pop punk, este poop punk pa sa ganun. Hinigitan niyang lahat ang slamdance na alam natin."

Tasyo: "Mismo 'tol, pero di lang pakikipag-sex sa tae [coprophilia]. May self-mutilation din. Akalain mong ipasok niya 'yung mic sa kanyang puwit, o kaya bungiin 'yung ngipin niya gamit ito, at hiwain//paduguin 'yung kanyang katawan o ulo? Imagine mo, pumunta ka sa gig para mag-enjoy, tapos bigla kang sasapakin ng singer, re-rape-in sa stage mapa-guy o girl, at sasabuyan ng tae! Welcome to GG Allin's concert."

Ogag: "Pero teka, ang lanpanga pala niya talaga sa certificate birth eh Jesus Christ Allin? Tinawag lang siyang 'Je Je' ng utol niyang bulol kase hindi mabigkas nito ang 'Jesus'--kaya naging 'GG' ['GaGo' sa Tangalog]. Tangna erp, di ko alam kung prophetic yun o ironic. Isipin mo, pinangalanan kang Hesus kase sabi ng erpats mo magiging 'Messiah' ka... tapos ang naging ambag at patak mo sa mundo ay tae at basag-ulo?"

Mulong: "Oo, cho. Pero ang nakakatawa pa dun, yung tatay niya super-cali-fragi-listic-expia-religious fanatic! Over sa pagka-twisted. Naghukay raw ng libingan sa basement ng bahay para takutin 'yung pamilya niya! Kaya siguro naging ganun si GG. Sobrang traumatic ng pagpapalaki sa kanya, naging outlet niya tuloy lahat ng kaguluhan."

Tasyo: "'Tol, mantakin mo: log cabin pa sila nakatira, walang kuryente, walang tubig. Literal na primitive yung childhood niya. Tapos sa eskuwelahan daw, binu-bully siya kasi di siya nagfi-fit sa 'normal'. Kaya ayun, nag-evolve siya sa ganun ka-chaotic na personality."

Ogag: "Ang bomalabs lang isipin na nagsimula siya bilang drummer, erp. Parang ordinaryong jeproks lang. Nagkokober pa nga sila ng Kiss at Aerosmith noon! Tapos, rumesbak yung isip niya: 'Tangna, hindi ito sapat. Kailangang mas sakalam.' Kaya elibs, naging walking demolition derby siya ahahah."

Mulong: "Wait cho, di ba idolo rin niya si Hank [Scumfuc, err Family Tradition] Williams? 'Yung country music legend? Parang ang layo ah. Pero gets ko na, siguro pareho silang loner at outsider [kanta nga ng Ramones] kaso si GG, mas pinili na i-seek-and-destroy ang sarili sa harap ng lahat."

Tasyo: "Tapos 'tol, naisip niya na ang rock 'n' roll ay di lang dapat tugtugan. Pahayag niya, ang kanyang katawan daw ay templo ng bato [temple of rock 'n' roll]. Kaya lahat ng ginagawa niya--dugo, tae, ihi, etc.--ay parang communion sa audience niya. Bullshit, sino bang tao ang gustong mag-communion na ganun?!"

Ogag: "Pero astig, erp. Plano niya nga dati di ba, mag-suicide sa stage? Pinangako niya na gagawin niya 'yun sa Undas. Kaso olats lagi dahil nasa kulungan siya tuwing Halloween! Parang kakatwa na kahit siya, hindi nagawa ang promise niya."

Mulong: "Oo cho. Sinabi pa niya, dapat daw mag-suicide ka sa peak ng karera mo--'pag nasa pinakamalakas ka. Para daw mas werpa ang kaluluwa mo sa lifeafter [nahahawa na 'ata ko ah]. Pucha, philosophy ng serial killer 'yun ha!"

Tasyo: "Ang ending, di siya OS o sa stage nadedbol, kundi sa heroin OD sa apartment ng tropa niya. Pinicturan pa nga siya ng kaibigan habang patay at nakahandusay! At nagpa-picture din ang fans kase di nila alam na SLN pala siya. 'Tol, literal na naging parte siya ng eksena hanggang sa huling hininga."

Ogag: "Tapos nung bingli, datbon na 'yung katawan niya--pero sinuotan pa rin siya ng jacket leather at strapjock. Arats 'yun! 'Yung funeral, naging party. Putragis, parang walang seryosong nangyari kahit deds na siya ahahah."

Mulong: "Kasi cho, kahit gaano siya ka-chaotic, alam mo kung anong consistent? Yung pagiging unapologetic niya. Wala siyang pake kung gusto mo siya o galit ka sa kanya. Sabi nga niya, 'with GG, you don't get what you expect'--you get what you deserve."

Tasyo: "Kaya 'tol, mahal siya ng mga fans. Hindi sa music lang, pero dahil sa idea na di siya takot ipakita kung gaano kagulo ang mundo... at kung gaano kaloko ang tao. Siya ang tunay na embodiment ng punk: walang rules, walang boundaries."

Ogag: "Pero erp, kahit lodi siya ng marami, dehins ko siya kayang gayahin. Iba 'yung level ng commitment niya--committed siya, kumitid lang ako. Alaws eh, kaya ko siguro mag-divestage at mag-slam sa pitmosh, pero etchas? Tangna, ibang trip na 'yun!"

Mulong: "Ako rin, cho. Gusto ko ng chaos, pero gusto ko 'yung gulo na di ako mababahuan."

Tasyo: "Tangina, ako? Ayoko nang maging GG Allin. Gusto ko lang ng tahimik na gig kung saan ang pinakamatindi kong problema sa mundo ay maubusan ng pulutan o inumin!"

At habang nagkukwentuhan, napagtanto ng tatlo na si GG ay hindi lang isang tao--isa siyang alamat, isang urban legend. Paalaala na ang punk ay di lamang tugtugan, kundi isang tanong: "Gaano ka ba kahandang itulak ang iyong sarili sa limitasyon, sa sukdulan, sa bangin?"

Pero ang sagot nila? "Hanggang pit lang kami. Walang shit, no injuries. Chill lang." [sigaw nga ng Aggressive Dog Attack: Tao/ Tae/ Tao/ Tae/ Tao/ Tae/ Tao/ Tae/ TAE!!!]

Image
Author
Account Strength
40%
Account Age
1 month
Verified Email
Yes
Verified Flair
No
Total Karma
212
Link Karma
206
Comment Karma
6
Profile updated: 1 week ago
Posts updated: 5 days ago
philo's not dead!

Subreddit

Post Details

We try to extract some basic information from the post title. This is not always successful or accurate, please use your best judgement and compare these values to the post title and body for confirmation.
Posted
2 weeks ago