Magandang umaga mga ulaga,
isinusulat ko itong liham sa aking pagtatapos ng oras ng trabaho, matapos ang pagkain na sa sobrang pagkabusog ay ako ay napaisip.
Isa sa mga kailangan ko na magkaroon ay trabaho, pera sa madaling salita, bago ko pasukin itong isang aspeto ng aking buhay.
Matagal na panahon na mula nung ako ay nabakante sa pagkakaroon ng kasintahan. At ako ay handa na muling lumisan sa aking komportableng pwesto, Sa madaling salita, ako ay handa na umibig muli.
Hindi marami ang aking karanasan sa pagkakaroon ng kasintahan, at madalas pa roon ay hindi ako ang mismong gumalaw para masimulan ang pagiibigan namin. marahil may tulong o siya mismo ang nagparamdam na sya ay napapaibig sakin. ako lang si patola.
Ang gusto ko lamang matutunan para sa aking pag hingi ng tulong sa inyo ay paano nga ba magsimula ng panliligaw? Paano mo sabihin sa isang babae na gusto mo sya. Paano hindi magkaroon ng lamat ang pagkakaibigan ninyong dalawa na binuo ng matagal na panahon.
Bago ko tapusin ang liham na ito. Gusto ko lamang ilarawan ang akin sarili...
- Nagtatrabaho at marahil masasabi ng iba na ang suweldo ay malaki
- Marunong tumugtog ng ilang mga instrumento, sa madaling salita ay musikero
- Nagtapos ng kursong teknolohiya sa Kolehiyo na berde at ginto
- Aktibo sa mga larong pampisikalan tulad ng basketbol at volleyball, ngunit ako ay mataba
- matangkad
- singkit na may salamin
- maitim
Kung kayo ang nasa aking sitwasyon at kamtan ang mga bagay na ibinanggit ko sa taas, ano ang diskarte nyo? Paano kayo kikilos o gagawa ng paraan para mapahumaling ang iniirog ninyo?
Sa aking pag lisan sa plataporma na ito, marahil ang iba sainyo ay marami nang karanasan sa aspeto na ito kung saan ako gulong gulo.
Maaari mo ba akong tulungan sa aking pag talakay sa paksa na ito?
Maraming Salamat at Magandang Araw Sa inyong lahat!
Sayo Lamang,
pablo
Post Details
- Posted
- 1 day ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/phr4r_2/com...