This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Bihira na talaga akong manuod ng kdrama series kasi minsan mej masakit sa puso ang ending at naiinip ako mag-antay kapag ongoing kaya bangag talaga ako kasi tinatapos ko ng buong weekend, kaya puro movies nalang. But last series ko is "My Liberation Notes" kasi bet na bet ko si Jiwonie.
Nung nakaraan, ni-recommend sakin ng workmate ko yung "20th century girl" after namin mapag-usapana yung "Youth of May", "Scarlet Heart" and gHorl! ang sakit sa puso puñeta. Alas-4 nako nakatulog kasi nai-imagine ko yung sakit sa part nung girl na wala syang kaalam-alam na wala na pala syang inaantay. Jusq.
For sure hindi lang ako yung ganto na, okay ka naman, masaya ka sa buhay mo, pero kapag nakakapanuod ka ng kdrama/kmovies, literal na nasakit dibdib mo eh kasi minsan makatotohanan yung ending eh, yun yung nakakainis, manunuod ka na nga lang, masyado pang makatotohanan hahaha.
Na-share ko lang, hindi lang ako maka-move-on at heto, kakatapos ko lang sya panuorin for the 3rd time. 😂
Maulan, mahangin sa labas. Mag-iingat ang lahat. Humigop ng sabaw. Mua!
Subreddit
Post Details
- Posted
- 2 years ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/phr4r/comme...