Meron pa ba ditong babae na matino at alam ang kanyang halaga na hindi malandi at hindi naghahanap ng atensyon sa iba't ibang lalaki? Yung nais ay yung totoo kayo sa isa't isa na puro ang intensyon na bumuo ng maayos na samahan... na walang pagaaksaya ng oras at walang pagaalinlangan... na may potensyal na mapunta sa pagkakaibigan at seryosong relasyon na di hinahaluan ng libog at malisya sa simula? Meron pa kaya?
Pakiusap lang, kung intensyon mo lang aksayahin ang oras ko at paglaruan damdamin ko, di ako yung lalaki na papatol sayo. Pero kung naiintindihan mo paano makipagkilala sa isang matinong lalaki at umasal ng tama, maari tayong magusap.
Ang hinahanap ko sa isang babae ay mabait at totoo sa sarili at di mapagpanggap.. Mapagmahal, matulungin at makaDiyos. Magandang ehemplo sa iba. May marangal na trabaho at propesyonal. May disiplina at pagpipigil. Marunong alagaan ang sarili. Pagdating naman sa hitsura, ang nais ko sa kanya ay yung marunong magalaga sa katawan. Nageehersisyon ganon. Pinapanatiling malinis ito at mabango. Maayos ang itsura at marunong manamit. Yun lang. At syempre tiga Maynila.
Patungkol sa akin... maka-tao, maka-bayan, at maka-Diyos. Mabuting ehemplo sa kapwa. Nagaral sa isang kilalang unibersidad. Nagseserbisyo para mapabuti ang kalusugan ng aking kapwa. Maputi. Mabango. Matipuno. Mapagmahal at maalaga. Di babaero.
Sa pagbuo ng mensahe, siguraduhin lamang na makabuluhan ito at may halong damdamin. Hindi ko papansinin ang walang gana at walang buhay na mensahe. Kung gusto mo ng magandang pakikitungo, gawin mo rin yun sa akin kasi sabi ng Ginintuang Patakaran o Golden Rule ay "Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo." Salamat!
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 year ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/phr4r/comme...