Wala kasi ako masyado mapagsabihan about what I went through recently. Though I’m very grateful sa long distance friends ko na kahit busy sila, nakausap ko sila about this.
After ko malugmok sa 1st break up, I was happy na nakabangon ako and almost all of my relationships with other people ay naging okay before I left Ph. So I got this opportunity na makapag work abroad. Di masyadong maayos yung trabaho but after ko magresign, yung ka close ko sa work na crush ko din ay umamin sakin about her feelings after kong makauwi na ng Pinas. Nung una hesitant ako sobra given sa situation nyang may anak sya at may mga nakwento syang medyo konting kapilyuhan nya noon. I liked her but I know what kind of woman din ang hinahanap ko and hindi sya yun. But when we met again and after ng mga usap, medyo naging marupok ako. Wala ng ligawan na nangyari kahit sabi ko sa sarili ko gusto ko maligawan naman. Sobrang iba sya sa pinromise ko sa sarili ko. So, nagdecide ako bumalik sa bansa nila and magwork ulit sa same company para magkasama kami. Kasama din namin anak nya and naglive in kami. Maraming naging away din pero everytime na nagaaway kami madalas sinasabi nya di ko sya iniintindi and pagod sya. Sa isip ko, napilitan din ako magwork ng more than 8 hrs kasi sinunod ko sya, para mas may kitain ako and mabawasan pagiisip sa gabi so pareho kaming pagod diba? Sa bahay, halos ako nagpprepare madalas for them like breakfast, tagalinis, laba, fold ng damit. Sabi nya nun kukuha kami ng apartment na maayos pero maliit lang nakuha namin and gusto ko pa sana magipon para makakuha ng place na mas comfortable pero pinatiis nya ako matulog sa sahig para yung bata comfortable sa kama. As in lahat ng gusto nya and gusto ng bata, sinusunod ko.
Fast forward na lang ha… lahat halos ng pinaghirapan ko sakanya or kanila napupunta. Tapos lately nahuhuli ko sya na may tina translate na salita and pag hinihiram ko phone nya kasi gagamit ako ng translator, andmai nya excuse. Sinasara mya agad or inaagaw sakin yung phone. Di ko natiis nung isang gabi, binuksan ko history ng translator nya and may iba pala syang lalaki. At may mga nabasa pa ako about sex. Nung last month lang, nahuli ko nagchat din sila ng ex nya though wala malisya pero alam nya sobra na uncomfortable ako.
By the way, ilan beses kami nagusap sa gantong situation. Kasi may mga kahina hinala na syang ginagawa pero akala ko nagooverthink lang ako. Sabi ko ako yung tipo na di pipilitin sarili ko sa isang tao. So, kesa mag secret ka, sabihin mo totoo sakin and I will let u be happy sa kung sino at ano pipiliin mo. Halos walang guilt man lang akong nakita nung huling usap namin at nagdeny to death. Nung umuwi ako, nagmessage sya at umamin pero di ko na sure kung sincere pa mga sinabi nya kasi sa mga nabasa ko (I know mali nga pala ginawa kong nakielam ako ng phone pero nung time lang na may hinala ako and yung sa ex. Never ko ginalaw phone nya). Ayun, share lang. Di ko lang akalain na mangyayari yun.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 2 hours ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/phlgbtr4r/c...