Hello mga ka-reddit. This holiday season is making me feelz. Haha, makiki-post lang uli, if I may?
Magte-trenta na ako and reflecting all these years of my existence, masasabi ko na wala na akong hihilingin pang iba. May kanya-kanya tayong definition ng success, at thankfully mukha namang ina-achieve ko na yon. May fulfilling at stable na trabaho. Maayos na kita. Great set of friends and support group. Kahit na mga materyal na bagay kuntento nako. Lahat ng tinatamasa kong ito, nire-recognize ko as privileges which I’m really grateful for.
Kaso, nganga sa love life. Hahahaha. Sabi nga nila, di naman binibigay ng universe ang lahat. Pero ano ba naman yung mga wish na “beke nemen???”
It's been a while since I last dated. Nung nag-pandemic, kung ano-anong challenges yung dumating sa buhay kaya naisantabi muna lahat ng romantic feelings sa buhay. Focused on myself, my career, my graduate degree, naging strong independent human ako. Akala ko kaya ko na na ako lang at tinanggap ko nang tatanda ako mag-isa. Hahaha.
I thought it would be great to have someone who you could share your dreams and aspirations with? Yung sasamahan ka to go into greater heights. We all deserve to receive the best love we could have at iparanas natin yon sa isa’t isa.
Currently looking for someone constant and steady. Yung hindi nagmamadali, pero may idea sa patutunguhan. Hindi na tayo bumabata. Haha.
Maraming salamat sa’yo kung nakarating ka sa part na to. Nasa previous posts ko yung about me (at mga hinahanap ko about you). Masyado nako marami kuda. Hahaha.
I'll wait for your chat. Baka tayo na ang plot twist ng isa’t isa bago matapos ang 2024 :)
Subreddit
Post Details
- Posted
- 2 hours ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/phlgbtr4r/c...