Coming soon - Get a detailed view of why an account is flagged as spam!
view details

This post has been de-listed

It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.

27
Please don't betray your own healing journey
Post Flair (click to view more posts with a particular flair)
Post Body

May nabasa akong post dito lately na if nakakaisip makipaghook up, magself-pleasure muna and then mawawala yung desire to do the former.

As somebody na di talaga into hookup pero natutukso kasi ganito pala talaga yata pag adult, (nakakamiss na pagkain lang kinecrave. HAHAHA!) naiapply ko naman siya sa healing journey ko.

If ayan na naman at tinamaan ka nang magaling at gusto mong magreach out uli, ITYPE MO MUNA SA NOTEPAD and then mawawala.

Nagpablock ako before sa kanya kasi wala siyang kusa. Sabi ko sa kanya, pakiblock ako kasi pagdating sa kanya, wala akong disiplina and I know idadrop ko anytime ang anything para sa kanya. Sumunod naman siya pero not too long after, unblocked na naman ako. That time, ako naman gumawa until now thankful ako na I'm above my emotions most of the time.

Kanina, since may nakausap ako and napag-usapan namin ang ML, I can't help na tignan uli profile niya roon. Bago ang picture. Nag-istir uli ang emotions. Nanginginig ako. Nandun na naman yung thoughts na wala siyang ginawang mali, napakahirap ko lang ihandle kasi clingy ako. Malamang napressure lang kasi siya yung inspiration ko kaya todo kayod ako in life. Gustong gusto ko siyang ichat at pasalamatan for doing his best in handling me. Pero bago ko ginawa yun, as somebody na gusto pinuproofread muna isesend lalo na kung mahaba at important ang pagsesendan, itinype ko sa notepad. Ayun!!! Nahulasan. Kabag lang. HAHAHA!

Naisip ko na if mahirap akong ihandle noon at clingy masyado at nakakapressure, dapat kausapin ako if gusto talaga magstay with me. Okay lang na pag-awayan kasi normal sa kahit anong relationship na may gaps and misunderstandings. Pero back then, he stayed silent. Kept me begging lang and thinking ano kaya ang iniisip niya. Di ako magawan ng time at halatang wala ako sa priority. LDR pero kahit chat lang, sobrang dalang pa. If gusto niya talaga kami magwork, sana he did his part at hindi below bare minimum. Kahit desire for us to meet, wala akong naranasan. Kung gusto niya talaga kami magwork, di niya ako sasabihan na gusto niya magkaanak eh parehas naman kaming lalaki. Kung gusto niya talaga kaming magwork, sana naramdaman ko kasi ako sumobra pa nga sa kanya. Hahaha!

Hindi ko na para ioverthink ang lahat lalo na ang side na. Di na productive yun at wala akong magegain dun. Pero I know na pag interesado ako sa tao, I won't leave them waiting for my care and attention. Sobrang bare minimum na nun.

Kaya ikaw na gaya ko ring nagmumove on, huuuuuuuuuuugs galingan mo rin sa self-improvement. Talk to people pa rin pero take a step back and observe mo rin sarili mo kung padalus-dalos at kung anong mga red flag na naman ang iniignore mo. You are a magnificent lover at deserve mo ang love na kaya mong ibigay sa iba. Remember to make people earn their access to you.

I hope our days are gentle so that we can all heal better. ❤️❤️❤️❤️❤️🙏🏽

Author
Account Strength
100%
Account Age
6 years
Verified Email
Yes
Verified Flair
No
Total Karma
4,206
Link Karma
234
Comment Karma
3,972
Profile updated: 1 week ago
Posts updated: 5 days ago

Subreddit

Post Details

We try to extract some basic information from the post title. This is not always successful or accurate, please use your best judgement and compare these values to the post title and body for confirmation.
Posted
1 month ago