This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
29M, and I think may happy crush sa work.
I didn't even know na ganito pala yung happy crush. About this guy: He looks super cute. kulot, maamo ang mukha, and narealize ko rin na may nunal siya under the right eye gaya nung mga naging crush ko dati. Parang ang sarap babyhin ganun. huhu. strangely, unlike sa mga crush ko previously, wala akong desire to check his social media kahit quite early on ehh alam ko na yung full name niya. Wala rin akong balak magreach out and try if may chance unlike sa mga dati kong natipuhan. I don't know if I'm still not healed sa past relationship ko, nagshift ang mindset due to age, idk haha. Ako kasi usually nanliligaw and di comfortable na nililigawan kahit na di ako top kaya ang strange na bakit wala akong desire to know more and reach out. Ewan ba, haha!
Simula nung nalaman nung dati kong teammates na crush ko yung guy na yun, tinitease na nila ako lagi like inilalapit sa akin and tinatawag ako pag kasama nila. Maybe ginagawa nila yon as support or maybe bored lang sila haha! Nagugulat kasi sila pag sinasabi kong di ako straight at nagkabf na ako. Inihahanapan nila ako at kinukulit kung sino ang type ko sa mga kawork namin. Kung dati hanggang tingin lang ngayon, nagpapanic na pag tinutukso nila ako hahaha. Kinausap ko rin yung mga nagtitease sakin kasi inaupdate ako at binibigyan ng insider info. Sabi ko sa kanila na wag na akong iupdate kasi wala din naman akong balak ipursue yung guy. Sabi ko older ang gusto ko which is totoo naman talaga. 6 years younger kasi yon at mukha pa ngang mas bata kaysa sa real age huhu. Sinabi ko na pag nakikita ko, ang gaan gaan lang ng araw. haha! and then sinabi sakin na happy crush daw yung ganun and support sila.
Ayun laaaaang. Salamat sa pagbabasa. Ganito pala feeling wahaha! Nakakahiya. Feeling ko di akma sa age ko yung feeling or maybe masyado ko lang nirerestrict sarili ko huhu.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 month ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/phlgbt/comm...