This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Kwento ko lang.
May nagmessage sa akin dati dito dahil sa previous post ko tapos gusto makipagkilala. Medyo matagal din kami nagkausap pero hindi nagprogress as something romantic kasi he lives in Davao and ayaw ko ng ldr hahaha inestablish ko na sa kanya na friends lang pero lagi siyang nanlalandi. Isa pa, medyo dama ko rin na may something off kasi madalas ang laki ng time difference sa replies niya. Inassume ko na taken talaga siya dahil mahitsura naman siya pero everytime I ask him, sinasabi niyang single siya. Nagplan pa siyang lumipad pa-metro manila this December pala lang daw makapagmeet kami.
One day pinaalala ko ulit sa kanya hindi dapat siya magexpect ng something serious dahil ayaw ko talaga ng ldr. Umagree naman siya at sinabi na sana raw open pa rin ako makipagmeet kapag pumunta siya ng manila.
Fast forward, while randomly scrolling sa comments sa isang facebook post, may nastalk akong tao na feeling ko siya. Hindi ko completely maview yung profile dahil nakalock. Pero namumukhaan ko sa picture na siya yun, may nakaakbay na babae haha di ko alam kung gf niya.
Deleted na profile niya sa reddit matagal na pero ang tapang niya kasi hindi niya dinelete mga selfie na sinesend niya sa akin hahaha. Kung andito man siya ngayon, ingat. Baka mamaya taken pala talaga siya at gawin kayong kabit hahaha yun lang.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 month ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/phlgbt/comm...