Coming soon - Get a detailed view of why an account is flagged as spam!
view details

This post has been de-listed

It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.

5
"you can't be completed by somebody who broke you" non-verbatim
Post Flair (click to view more posts with a particular flair)
Post Body

Sa mahaba-haba ko nang pagbabasa dito sa sub na ito, ito yung pinakatumatak sakin. Not sure if mahahanap ko pa uli yung nagcomment pero kung nababasa mo ito, thank you!!! Ikaw yung voice sa loob ko pag nagkakaidea na naman ako magslip into the path na tinalikuran ko na.

Pagpasensyahan nyo na ang pagvevent ko. Feeling ko kasi ingungudngod na ako ng mga kaibigan ko pag kinuwento ko pa uli to sa kanila haha!

Kapag di ako nakafocus sa work, lagi akong plagued ng idea like what if sumulpot ako sa apartment nila and be sweet gaya ng dati. Magdala ng food, makipagkwentuhan at tawanan as if di ko iniyakan ng 2 months at di ako makakain at makatulog dahil sa break up. Alam kong desidido ako at masigasig and I can win him over again pero wala talagang benefit kahit emotional support kaya napagod ako in the first place at nakipaghiwalay in a very childish way.

11 months tayo at kinaya ko kahit LDR kahit mahilig ako yumakap at gusto ko talaga ng presence ng taong mahal ko kahit magkaiba pa ginagawa natin basta magkasama. Pag inaaya kita makipagdate, ang dami mong dahilan like wala kang pera, napepressure ka, etc. kahit ako na nagvovolunteer at nagsasabi na street food or convenience store dates lang idea ko. Willing ako bumyahe kahit 3-4 hours pa papunta sa inyo pumayag ka lang. Kahit atensyon mo bineg ko nang bineg. In short, kung nagiging buff ang tao sa pagbubuhat ng relasyon, baka pati talukap ko may abs na. Hahahaha!

Now that I am typing this and can tell this story at natatawa, I think I've healed a lot na. Half a year na ako sa new work ko, onsite na at hindi na nakaasa sa replies mo para lang may makausap. Di na rin ako umiinom gaya ng dati kasi di na ako desperate for connection na kahit yun lang di ko makuha sa iyo at di mo man lang ikusa kahit official tayo.

Kahit kailan naman di ko kayang magalit. Mahal na mahal kita noon ehh. Di rin kita siniraan kahit na sinabi mo sa akin dati na ikaw na nga yung masama. Masaya ako na natuto ako at safe and healthy pa rin ako after natin. Ngayon, sinisigurado ko nang internal ang source ng happiness ko. Hinayaan ko trato mo sakin kasi di ko mahal sarili ko noon. Ngayon, isa na uli sa top priority ko ang skin care at hindi para magmukhang maayos para sa iyo, para sa akin na. Ngayon, hindi na ako nag-oOT para sa mga plano ko para sa atin. Hinahayaan ko na sarili kong magpahinga. Dinedate ko sarili ko from time to time at nagmomorning walk na rin ako. Mas may buhay na ako ngayon.

Hindi ako nagpapasalamat sa iyo sa mga natutunan ko. Wala ka naman talagang ginawa literal. Hindi kita sisisihin para sa atensyon at pagmamahal na binigay ko nang kusa. Sana lang talaga, mas maging matatag ako para di na magreach out sayo. Sana maopen ko na uli sarili ko para sa iba kasi natatakot ako na maranasan uli ang naranasan ko sayo.

huuuuuugs everyone. May our days be gentle and may all of us heal from our pasts so that we won't wound others as we go along in life and so that we can be the best version of ourselves. ❤️❤️🙏🏽

Author
Account Strength
100%
Account Age
6 years
Verified Email
Yes
Verified Flair
No
Total Karma
4,339
Link Karma
257
Comment Karma
4,082
Profile updated: 1 week ago
Posts updated: 2 weeks ago

Subreddit

Post Details

We try to extract some basic information from the post title. This is not always successful or accurate, please use your best judgement and compare these values to the post title and body for confirmation.
Posted
2 months ago