This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Kung andito ka man sana mabasa mo ito.
Totoo pala sinasabi nila na malalaman mo yung worth ng isang tao kapag wala na sya sayo. Meron akong nakarelasyon naka 3years naman kami. Pero ang nangyari naubos nalang sya sa pagmamahal sakin at dahil rin naghanap ako ng fun sa iba at pinagsisisihan ko na yun ngaun.
Siya yung tipong gagawin lahat mapasaya lang ako, iniintindi at pinoprotektahan at todo effort sya sa mga bagay bagay, sa totoo lang tinake for granted ko lang lahat ng effort at pagmamahal niya sakin, kinasanayan ko kasi na ganun sya, consistent talaga sya mag mahal kaya siguro na bored ako at hindi ko sya deserved. Bare minimum lang ang binigay ko sa kanya pero ang alam niya eh buong buo ko na binibigay ang sarili ko, nilalaro laro ko lang kasi yung relasyon namin eh, hindi pa ako ganun ka serious, ang mahalaga eh andyan sya at minamahal niya ako. 100% talaga yung pagmamahal niya sakin pero binibigay ko lang sakanya siguro mga 20%, pero sinasabi ko na 100% rin yun.
Dumating yung point na naubos nalang sya at nakipaghiwalay at pumayag naman agad rin ako at hindi ko siya pinaglaban. sa una ayos lang kasi parang wala lang naman siya sakin. Pero dumating yung mga araw na hinanap hanap ko na siya at namiss ko siya ng sobra. Nakita ko na masaya narin sya at mukang naka move on na talaga ng tuluyan. Hindi ko lang alam kung may karelasyon sya ngaun.
Nagsisisi ngaun ako bakit pinakawalan ko pa siya. Bakit hindi ko agad nakita yung tunay na pagmamahal niya. Bakit ko hinayaan agad na umalis nalang siya.
Kaya maipapayo ko sa inyo kung may karelasyon kayo, ipakita niyo rin sa kanila kung gano yung pagmamahal nila sa inyo. Nasa huli ang pagsisisi. Lalo na kung sobrang mahal kayo ng tao, wag niyo na yang pakawalan. Wag nyo rin sila lolokuhin tulad ng pagloloko ko. Nakarma ata ako kaya ganito ang nangyari, ako yung hindi ayos ngaun sa nararamdaman ko.
***Kung andito ka man, sorry sa lahat, usap tayo please. Kung pwede mo lang ako bigyan ng isa pang chance para mapprove ko ang sarili ko, hindi na ako maghahanap sa iba, itretressure ko na yung pagmamahal mo at irereciprocate ko yun ng times 2 pa.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 3 months ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/phlgbt/comm...