This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Hindi ko alam kung paano sisimulan i-share yung struggle ko sa inyo pero yes, kagaya nung sinabi ko sa title, nahihirapan ako magkaboyfriend. Ang unang title nito, nung sinusulat ko tong post na to, "Bakit ang hirap magkaboyfriend?" then I realized na may mga few answers na pala ko in mind kaya nahihirapan akong magkaboyfriend so binago ko na lang.
Don't get me wrong ha. Di ako jowang jowa. Like kung walang boyfriend, okay lang naman ako, pero iba pa rin yung saya pag may lambing. π₯Ίππ»ππ» Hahaha.
Sa tingin ko, ito yung mga few reasons kung bakit sa tingin ko, nahihirapan akong magkaboyfriend.
Dahil choosy / sa preferred kong maging boyfriend - Tutal nandito na lang din naman tayo, share ko na rin yung naging experience ko sa nakachat ko rito sa reddit. Nakachat ko sya dahil nagpost ako noon sa isang dating subreddit. Tapos syempre, nagkwentuhan sa telegram tapos nagpalitan ng photos. Then, sinabi ko politely na sorry, di ko sya type at hindi match yung vibe namin. Aba, nagalit sya. Hahaha. Napakachoosy ko raw at ang taas daw ng standard ko. Ang sa kin naman, alam ko naman sa sarili kong di ako pangit at kung pangit man ako, lahat naman tayo may karapatang mamili. Kasalanan ko bang alam ko yung gusto ko at di ko gusto? Eh kung gusto ko ng matangkad at gwapo, bakit ako magsesettle sa di ko gusto, di ba? Isang beses lang naman tayong mabubuhay sa mundong to, syempre, yung jojowain ko, yung type ko na, di ba? Sinabi nya pa sa kin na bababan ko raw kasi yung standard ko. Naniniwala kasi ako na maiiba o magbabago pa naman yung standard na yan depende sa kausap mong tao. Sa tingin ko, okay lang naman maging choosy, no? Sige nga, jumowa sya ng may putok? Kimi.
Naloko na ko noon - So ayun na nga, naexperience ko nang maloko so naging careful na ko. Like kinikilala kong mabuti yung tao and gusto kong mafeel muna na genuine at may connection kami. Sa tingin ko, tama lang naman yon.
Ang hirap maghanap ng top - Maraming top pero karamihan kasi ng mga kilala kong top, nasa alter world (Nothing against sa mga nasa alter, personal ko lang na kagustuhan na lowkey lang). O kaya naman, mga naging boyfriend na ng kaibigan ko or kakilala ko, ganon. Haha. Di ko lang siguro type jumowa rin ng sikat.
Yun lang naman ang gusto kong i-share. Baka same tayo ng situation.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 8 months ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/phlgbt/comm...