This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
So heto na nga ang request.
"WARNING! SUPER LONG POST AHEAD!"
After ng first meetup namin, panay vid calls lang kami. Naka LOA naman ako so sa bahay lang ako and siya nasa work. Dapat nung Sunday kami magkikita kaso sinamahan ko si mommy sa check up niya and yung mga blood tests na nirequest ng dr niya. Pero magkausap parin kami. Pero we decided na yesterday (Monday) kami magkikita pero maaga para mahaba ang time namin (walang checkin na naganap ha).
So sa Manila kami nagmeet hinintay namin yung SM Manila mag open para mag early lunch then pag usapan na kung san pwede pumunta after. So nag Jollibee nga kami kase nag cecrave ako ng spaghetti. Nakakahiya pero sige kumain ako ng family size na spag ng jollibee and i told him na I'm not sharing my spag kase super fave ko talaga siya. Nanlaki yung eyes niya when iorder ko na talaga yung spag na yun. So umorder din siya ng spag yung regular size lang, burger and 1pc chix. Siyempre nainggit ako sa 1pc chix niya and umorder narin ako. So nasa table na kami and was waiting for my family size spaghetti then hindi pa siya kumain. I told him na sabay na namin kainin yung chix namin.
So ineenjoy na namin yung chix then he asked "kaya mo talaga ubusin yun? Serioso ka?" I said yes agad. Then he said "takaw!" I laughed lang then told him na I'm not sharing my spag. Then nag light na yung bilog na device then he told me na siya nalang kukuha kase may oorderin pa siya. So i waited pa for 5 mins lang then bumalik na sa table namin then handed over the family size spag and a choco sundae. Naenjoy ko yun promise. Perp i told him na I'm still not gonna share my spag. Haha.
Natapos na yung chix so i have my spag na to eat. Inopen ko yung lid then nakita ko siya na hawak yung fork and then the evil eye look then he said "penge akoooo!" In a low and scary tone and i was just mixing the sauce and the pasta and was staring at him then said "no!" Then evil laugh. He started calling me "takaw porky!" Then sabi ko balakajan! Then we laughed.
Kinilig ako dun talaga pero natakot ako kase he might be grossed out. Pero hindi. I just want to be me that time.
After Jollibee, i told him na gusto ko sana pumunta ng National Museum then Intramuros then Rob Ermita then Luneta then dun sa Paseo Pasilok Circle na malapit sa Folk Arts Theatre. He just said yes. So nag National Museum na nga kami and in fairness ang saya talaga. 3 pala yung museum sa Manila pero dun kami sa una. Grabe ang dami niyang alam. He was telling me about the history ng ibang artifacts dun (tama ba yung artifacts?). Then after sa National Museum, pumunta naman kami sa Intramuros. From there gusto ko pumunta sa San Agustin lang. Dumating kami dun then was enjoying the view. Then he approached me and told me na before daw kase kaya maraming altar sa church na yan kase sabay sabay nag sesermon yung mga pari and yung mga tao mamimili lang sila kung sino preferred nila. I was amazed kase ang dami niyang alam talaga. Then he told me na mag pray kami.
After sa Intramuros we went to Luneta na then walk papuntang Rob Ermita. So nag stroll kami then kumain kase nagutom nanaman ako then he was calling me takaw na. Basta sagot ko lang sa kanya is ewan ko sayo!
After namin sa Rob Ermita, nag aya siya sa kanila para makapag rest daw kami. Then bigla nalang may disclaimer na walang magaganap kase nandun yung parents and siblings niya so safe naman daw. At that nawala yung kaba ko. Tbh ayoko na munang may mangyari samin. So nag punta na kami sa kanila then he introduced me as his special someone. Kinilig ako dun. His mom was very nice talaga. Nahihiya ako kase wala manlang akong something for them. Simple lang sila parang kami lang ni mommy. I noticed na nag mamano pa siya sa parents niya and hugs his siblings.
So nag kwentuhan kami ng mga siblings niya and may painterview narin. 5 silang magkakapatid and pangalawa nga tong si kadate. So nag prepare na yung mom niya ng dinner and yung father naman yung kakwentuhan ko. Super nice sila promise. Nahihiya lang talaga ako kase wala manlang ako mashare sa dinner since ininvite nila ako. Though I offered na bumili ng something pang dagdag lang but they insisted na wag na since nakapag luto naman na. I stayed until 1 am kase masaya yung kwentuhan namin. Nag order pa sila ng pizza since nadala na kami sa kwentuhan and all. Then yun. 1am na i have to go home. Sabi ng mom niya na sana bumalik pa ako and i said yes. One day iinvite ko rin sila sa amin.
Hinatid na niya ako sa labas while nag bobook ng angkas. Nagpasalamat ako for trusting and pinakilala sa parents niya. Then sinabi ko na kinilig ako kase special someone mo ako. And he said sana soon more than that na tayo. I kissed him sa lips and then he grabbed my right hand. Dumating na yung angkas ko then yun. Pag angkas ko sabi niya kay kuya na wait lang then he approached me then kissed me. Omg kinilig si kuyang driver dun. Haha. Ingat daw kami and mag update ako sa kanya. I said yes.
Itong si kuya angkas ang dami nang questions like kung gano na ba raw kami katagal and all and ang sweet naman daw ng guy ang swerte ko. I told him na hindi pa kami then he was like "ano? Hindi pa kayo?" Then the kwentuhan went on.
I arrived na sa bahay then tinanong naman ako kung san daw ako galing so kinuwento ko na lahat sa kanya then after ng kwentuhan namin ni mommy, tinawagan ko na siya then kwentuhan again. Hehe. Ang saya ko lang talaga for today. Nagyon magkausap kami kanina lang. Sorry mahaba na masyado post ko. Until now iniisip ko parin yung kahapon lalo na nung andun kami sa kanila. ♥️♥️♥️
Subreddit
Post Details
- Posted
- 7 months ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/phlgbt/comm...