This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
I'm 39M, outed bisexual na to my family and friends. They accepted me naman with open arms. May mga gay jokes from my straight male tropas pero alam ko naman tanggap nila ako. I've been straight most my life, mga exes ko eh girls and most of my experiences talaga puro sa girls.
I just accepted na I am starting to like men. A friend I met here sa reddit taught me how to accept it and ayon, nag out na din ako eventually. I've been out for two years already.
Naconfirm ko nang I can love a person of the same sex. Parang babae din naman kaya lang iba yung andon.
Naeexcite lang ako sa prospect na magkakajowa ako na guy din. It will be a new experience for me. Alam ko di ako yung perfect na guy, di ako conventionally attractive and ang dami kong skin issues. Mataray din ako pag tinopak. Pero I will still try to be the perfect partner to the person who will like me back.
If he/they would like to, I'd like them to meet my family and friends. Tagal na nila naghahanap ng may pakilala ako sa kanila.
Gusto ko din yung thought na uuwi akong masaya after ng date. Kasi I am assured na hindi yon yung last, meron pang susunod at di lang ako pang isang date lang.
Maganda din isipin na sa wakas maibibigay ko na yung pent up love ko na walang gustong tumanggap at yung unan ko lang nakakarinig mostly.
Nakakaexcite lang.
Kung dito man sa buhay na to o hindi ko maranasan yan, I am still looking forward to it.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 year ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/phlgbt/comm...