This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Hello.
Gusto ko lang sana magshare ng saloobin ko sa buhay. Bilang wala naman akong malapit na kaibigan na mapagsasabihan, lalo na yung part ng LGBTQIA . Any thoughts will be appreciated. Hindi ako maglalagay ng TLDR kasi masyadong masalimuot ang gusto ko iparating.
Isa akong IT professional. Aaminin ko na medyo malaki naman ang sweldo, pero di pera ang sagot sa lahat para maging masaya. Sa sobrang lungkot ko, minsan nagsplurge ako sa pamimili. Shopaholic. kumbaga. Emergency fund ko, kakaunti lang.
I am already 29 years old. 5'5" (if that matters lol). Lumaking insecure. Bilang isang gay guy na may "not-so-masculine" voice, pakiramdam ko sinayang ko lang kabataan ko. Hindi naman sa nagaangat ng sariling bangko, pero masasabi ko na may itsura ako dahil na din sa sabi ng mga tao, pero di naman yun ang lahat para maging confident.
Dati ko pa ito iniisip pero lately, nanunuod na naman ako ng BLs (Boys Love) series na lalong nagpalugmok sa akin sa inggit at panghihinayang. Actually, alam ko na masama sa akin na manuod ng BLs kasi nag-agitate sya ng clinical depression ko. Dahil din sa BL, sa inggit na nararamdaman ko, nagkakasui*idal thoughts ako. Di ko mapigilan manuod dahil siguro sa boredom dahil walang kaibigan, walang partner, o sinusubukan ko na sanayin sarili ko na mamanhid sa mga BL hanggang sa mawala na yung inggit ko sa pamamagitan ng panonood.
Kapag nanunuod kasi ako ng BL, lalo na yung may highschool setting, naiinggit ako. Pinilit ako pagaralin ng magulang ko (lalo na ng Tatay ko) sa isang Catholic all-boys school. Nawalan ako ng kompyansa sa sarili ko dahil pinatalsik ng mga pari yung mga "di lalaki", at nakasama ako dun. Sa BL na napapanuod ko, mga all-boys school pero walang discrimination. Uso sa kanila yung touchy expression ng feelings, kahit na lalaki sa lalaki at kung straight man o hindi. Napansin ko to sa South Korea. Skinship ang tawag. Touchy. Yun siguro kulang sa akin?
Nalipat ako sa isang coed na highschool ng 3rd year, at nagbuild ako ng walls kasi iniisip ko na bawat kibot at galaw ko, may manghuhusga sa akin na napatalsik to, na dahil bakla ako.
Naiisip ko, pano kung sa South Korea ako pinanganak o kaya sa Japan? Magiging mas masaya siguro ako kasi at least makakaramdam ako ng pagmamahal sa mga peers ko, o kaya may malaking chance na magkaroon ng partner dahil sa culture nila. Hindi tulad sa atin na inuuna ang panghuhusga.
May parte sa akin na parang naging sumpa ang pagiging Pilipino, lalo na kapag di straight. Toxic na magulang, samahan mo pa ng toxic na relihiyon na pilit sinasaksak sa bawat tao, discrimination na sobra sobra, at toxic na gobyerno. Sa South Korea o Japan, for sure mas ideal and ibang aspeto, kahit di lahat. Di ko sinasabi na perpekto sila, for sure may bullying at harrasment din sila. Pero, nakikita ko kasi na malamang sa malamang may lamang sila eh.
Baka iniisip nyo na "Bakit ganito naman magisip to? Eh ang BL ay di naman realidad", agree ako sa inyo. Kahit ako kwinekwestyon ko bakit ganito ako magisip. Aware ako na kathang-isip lang mga napapanuod ko at hindi naman yan sumasalamin sa totoong nangyayari sa buhay pero di ko maiwasan eh. Kung may psychologist man na makakabasa, I badly need help. Seryoso.
Plano ko din magpa-Personality Inventory Test para malaman ko ano ba talaga yung mali sa akin bakit di ako nakakapag-sustain ng relationship sa ibang tao, romantic man o hindi. Kaso, hirap humanap ng legit na psychologist o center na nagooffer nito.
Napapakwestyon na nga ako sa career path ko. Bilang IT professional, medyo may kalakihan ang sweldo pero medyo repetitive. Nabully na din pala ako sa work at naparesign kahit 3 months pa lang ao (ibang kwento naman to). Kahapon habang nanunuod ng BL, napaisip ko kung gawin ko na yung plano ko na mag-acting classes for TV and movies at bumalik magaral ng Korean. Naiimagine ko na nga na maging parte ng isang BL ng South Korea. Papasa naman ako na high school student. Ambisyosa? Totoo. Agreed. May parte din sa akin na kaya ko siguro iniisip na mag-career change dahil di ko naiimagine sarili ko na IT professional pa din ako ng 40 years old, at siguro dahil na din sa emosyon na dala ng panunuod ko ng BL. Siguro iniisip ko na kapag nagacting ako at naging parte ng isang BL series eh magiging masaya na love life ko. Lol.
Wala na ngang jowa, di pa masaya sa buhay, may lamat ang pagkabata, nagkadiskriminasyon, namaliit, napapagod na sa buhay at trabaho, at wala pang sex. Nice.
May parte din sa akin na naiingit ako sa Gen Z ngayon. Parang mga millenials yung lumalaban para sa karapatan ng LGBTQIA ngayon at Gen Z ang makakatanggap ng bunga nito. Ngayon na puro BL series, parang unti unti kasing nagbubukas ang mga puso ng mga tao sa ang pagibig ay pagibig kahit ano pa gender o sexual orientation. Naiimagine ko na yung mga Gen Z, malayang makakapagmahal ng tao na gusto nila. Hawak-kamay sa Luneta ng walang panghuhusga. Magmahalan.
Ligaw na ligaw ako sa buhay ko ngayon. Baka may makatulong?
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 year ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/phlgbt/comm...