Coming soon - Get a detailed view of why an account is flagged as spam!
view details

This post has been de-listed

It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.

32
femme lesbian ako na nagpagupit
Post Body

so femme lesbian ako and usually problema ko lang naman pag nagcocommute is that babae aq and the usual baka mabastos aq or what. pero due to a medical condition need ko magpagupit ng buhok (semi-kalbo ata tawag?) and madalas nako napagkakamalang lalaki in public until magsalita ako. wala naman ako pake kung matawag ako na kuya or sir kasi gets ko naman na mukha akong lalake dahil sa buhok ko.

wala akong iniba sa pananamit ko, kasi ganon lang yung damit na meron ako. puro blouse tas skirt. mahilig din ako magmake-up at accessory. nung pauwi ako galing sa school may matanda na sinigawan ako ng "kalalaki mong tao nagdadamit babae ka, mga kabataan talaga ngayon blahblah" kaya nung sumunod na lumabas ako nanghiram na lang ako ng damit sa kuya ko kasi natakot ako. ayoko na ulit masigawan in public sobrang nakakatakot.

nagsuot ako ng hoodie na malaki para di kita na babae ako tas pantalon din na maluwag para tago yung shape ng legs ko. nasa fastfood resto ako non tas tinawag ako na sir, pag-order ko okay lang walang nangyare pero nung inaabangan ko na matawag yung number ng order ko naririnig ko nag-uusap yung mga matatanda sa tabi ko ng pabulong. bat daw di na kaya tanggapin ng mga tao yung bigay ng diyos or whatever and sayang daw kasi ang ganda daw ng itsura ko tas nagpapakalalaki ako or what.

ewan, nakakawalang gana lumabas ng bahay. di namang pwede nasa bahay lang ako kasi may buhay ako. di ko rin naman maiiwasan na hindi magsalita. hindi ako trans or masc-presenting and alam q yon sa sarili ko. naiiyak na lang ako kasi wala na sa control ko yung buhok ko, kailangan talaga siyang magupitan. hindi naman pwede na iexplain ko yun sa lahat ng tao na makakahalubilo ko. ayoko rin bumili ng wig since di ko rin naman afford yun. ewan,, nakakastress lang talaga.

Author
Account Strength
80%
Account Age
2 years
Verified Email
Yes
Verified Flair
No
Total Karma
5,025
Link Karma
3,034
Comment Karma
1,920
Profile updated: 4 days ago
Posts updated: 1 year ago

Subreddit

Post Details

We try to extract some basic information from the post title. This is not always successful or accurate, please use your best judgement and compare these values to the post title and body for confirmation.
Posted
1 year ago