Coming soon - Get a detailed view of why an account is flagged as spam!
view details

This post has been de-listed

It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.

28
Licensed engineer only by name.
Post Flair (click to view more posts with a particular flair)
Post Body

Hi! I [m25] just wanna vent out here regarding my fucked up career. Long story, ako yung taong hindi alam yung gusto mangyari sa buhay niya back in my highschool days. Took up BS Accountancy nung first year sa college [2014]. Okay naman siya, kaso naadik ako sa computer up to the point na hindi na ako pumapasok sa lahat nung 2nd sem. Ended up failing. I felt i had to go back to zero. So nagshift ako ng Engineering [2015]. Wala talaga ko gustong particular. Napili ko lang yung Electrical na parang wala lang. Medyo tumino na ko nun, pero hindi pa rin ako seryoso sa pag aaral. Yung tipong masaya na ko nang pumapasa lang. Natapos ko naman in 5 years. 2020 ako graduate, kaya lang hindi ako nakapagboards or work agad due to pandemic. Thankfully, i passed the boards on my first take. September 2022 nun. I became a registered electrical engineer na halos walang alam sa field of work niya. Then ang una kong pinursue is maging cadet electrician sa barko. From december to first quarter of 2023 nandun yung focus ko. Nakapasa sa exam, natanggap, but hindi pinatuloy sa training dahil bumagsak sa medical due to color blindedness.

So back to zero na naman. I decided mag apply na lang muna dito sa landbased jobs. Mid 2023 nung nagstart ako dito. Project Monitoring Engineer yung position ko. Nadeploy ako 6 hours away from my hometown. Okay naman salary for a starting engr (24k/month, mon-sat, free meals and lodging). Okay naman for experience, construction industry, mga substation and transmission line yung mga projects. Kaya lang yung designation ko sa project is document controller. Tigapagpasa lang ako ng mga plano sa general contractor. Okay lang sana sa part ko. Sa isip ko mag observe lang muna ako. (kasi nga wala pa akong alam sa electrical talaga as in near zero pa). Kaya lang, may mga kasama ako ditong dalawang electrical engineer (around my age lang din, magkakilala na sila kasi quizzers daw sila dati at coach nung isa yung isa). Ok naman nung una kaso as time went by, hindi ko na masikmura pakisamahan. Sobrang yayabang. Yung project manager kasi namin is kengkoy gumalaw, parang minsan di alam ginagawa niya. Tapos not licensed, so parang di nila nirerespeto. Kapag nasa office sila, nadidinig ko pinag uusapan at tinatawanan nila yung PM. Sinasagot sagot lang nila kahit nasa meeting kasama yung mga foreman. Yung PM naman namin, masyadong people pleaser yung personality niya. Pinapalampas niya lang kahit ganun na ginagawa niya. Kaya ako, hindi ako nag ssite pag nandun yung isa sa dalawa kong kasama. So ending, wala ako halos natututunan. Alam ko may problema din ako pero napuno na din po kasi ako. Sinubukan ko makisama pero wala talaga, mga civil engr, safety,magkakasundo kami. Sila lang problematic sa team. Iā€™m considering resigning or magpalipat ng department. Our project ends in July. Should I leave? If payagan ako lumipat ng department, I am considering design. Kaya lang di rin ako confident masyado sa knowledge ko so gusto ko sana mag training or seminar regarding design or any electrical engg-related training para sakin. Baka po may alam kayo na pwede ko pag trainingan, desperate na po kasi ako. Salamat po. Sorry sobrang haba, wala lang ako mapagsabihan. Gusto ko lang po sana ng career tips and guidance kasi frustrated na po ako.

Author
Account Strength
50%
Account Age
2 years
Verified Email
Yes
Verified Flair
No
Total Karma
448
Link Karma
304
Comment Karma
144
Profile updated: 1 week ago
Posts updated: 5 days ago

Subreddit

Post Details

We try to extract some basic information from the post title. This is not always successful or accurate, please use your best judgement and compare these values to the post title and body for confirmation.
Posted
9 months ago