This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Minarites ng nanay ko sa mga kaibigan niya na nag-apply ako for transfer sa BS Community Development ng UPD, at hindi ko nagustuhan mga reaksyon nila.
Binulong ng katabi niya na, "NPA course 'yan."
Sabi pa ng isa, "naku, baka mamundok na 'yan siya."
Hindi sinabi ng nanay ko na natanggap na 'ko kasi ganoon naging reaksyon nila.
Maswerte ako na sinusuportahan ako ng mga magulang ko sa naging choice ko, pero aaminin ko na sila rin ay may pagdududa noong binalita kong na-admit ako. Naiintindihan ko naman kasi sa political situation natin ngayon, nakakatakot naman talaga.
Sa oras na 'yon, wala lang talaga sa akin yung subtle red-tagging nila sa program na lilipatan ko at sa UP bilang paaralan mismo. Kasi alam kong hindi naman ito totoo. Pero ngayon, hindi ko matanggal sa isip ko eh.
Nais kong mag-aral ng community development kasi gusto kong matutong makisama at magtrabaho kasama ang masa para sa ikauunlad nila.
Anong masama dun? Lahat ba ng may kadikit na salitang "development" ay kasapi na ng NPA?
Naiintindihan ko ang armed struggle, at kung bakit mayroon nito. Pero napapagod na 'ko sa mga taong sa lahat ng oras na ipinapahiwatig kong gusto kong tumulong at lumubog sa komunidad, enemies of the state na ang iniisip.
How will we move forward as a nation if we treat development workers and students as terrorists?
Kahit nga sabihin ko lang na tiga-UP ako, laging bilin ng mga nakakausap kong nakatatanda ay "huwag kang mamumundok ha."
Sa totoo lang, iniisip ko kung sa ibang prestihiyosong unibersidad ako nag-aral ng development-related course eh... May red-tagging pa rin kaya? O ekslusibo talaga ito sa UP?
Either way, mali ito at sobra akong nakakalungkot.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 2 years ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/peyups/comm...