This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Hey y'all, ako ay isang struggling na bakla na gusto ng matapos ang aking post-grad course.
Please help me graduate at matapos ang aking tesis na higit na makakatulong sa pagpapaunlad at pagkakaroon ng komprehensibo at inklusibong pagtugon sa HIV at AIDS.
Naghahanap ako ng mga open-minded at willing na magbahagi ng kanilang pagtanaw at karanasan ukol sa ginagawang pag-oorganisa ng mga samahan at pamayanan laban sa HIV at AIDS at maging sa kasalukuyang pagtugon rito ng gobyerno at iba pang organisasyon.
Kailangan ko sa pag-aaral na ito ay dalawang Key informant Interview participant na 1.) PLHIV at tao na nakapaloob sa key population at risk; 2.) Filipino at legal age; 3.)Hindi miyembro o kasama sa kahit anong hiv at aids organization; 4). Huli ay open-minded at willing magbahagi.
Nilalayon ng pag-aaral na maintindihan, siyasatin, tutukan, atΒ pagkunan ng mga aral ang karanasan ng mga PLHIV at pangunahing populasyon na maaaring magka-HIV sa kanilang pag-oorganisa at pakikibaka sa krisis na dala ng HIV at AIDS. Matagal na nagkaroon ng maraming porma ng pag-oorganisa at pagkilos ang mga tao at pamayanan upang labanan ang epidemya ngunit kaunti ang mga dokumento at pag-aaral rito kaya isa sa pangunahing layunin ng pag-aaral ay maisadokumento ang mga ginagawang pag-oorganisa at pagkilos ng mga apektado ng virus. Maliban rito, ninanais rin ng pananaliksik na matukoy ang posibleng ambag ng ginawang pagkilos ng mga apektadong tao at pamayanan sa gawaing pag-oorganisa at pagpapaunlad ng pamayanan.
Don't worry ang pag-aaral ko ay nakasandig sa mga ethical standards on conducting HIV at AIDS research, promise ill protect you and keep you safe :)
If your interested, please dm me :)
Subreddit
Post Details
- Posted
- 3 months ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/peyups/comm...