This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
I didn't know what I really want. During the college application season back in 2021, UP was just UP for meβ it was just a school. Sabi ko mag-apply na rin ako kasi yung mga batchmates ko nag-aapply din. I didn't have any course in mind but since I'm a man in STEM, edi STEM-related na lang. I just know I wanted to be a medical doctor.
Research ako nang research. After doing online class and school works all day, saka ko inaasikaso college applications ko. Pero yung sa UP, kahit na alam ko sa sarili ko noon na hindi ko naman siya dream school, very meticulous ako sa pag-asikaso. Dino-double check ko lahat. Kumpleto dapat requirements ko before submitting para less hassle, tama dapat yung spelling ng mga bagay sa forms, at dapat maayos. Hindi ko alam noon bakit ganun ako sa UP.
Alam kong UPM ang swak para sa akin kasi nandito yung health science programs. Yun talaga gusto ko that time not knowing that it was very competitive to get in. Delikado raw yung UPM - UPD campus choice so ginawa kong UPM - UPLB yung sa akin. Nanood ako ng UPLB YT vids noon at nag-research dito sa Reddit about UPM and UPLB. Maraming nagsabi na maganda raw environment, mas masaya community, at mas productive ang orgs sa Elbi. Hindi ko alam kung true to life ba tong mga to pero I had a good feeling about it. Nasabi ko pa noon habang nag-apply na parang gusto ko na tuloy siya i-1st choice kaso mas matimbang pa rin yung gusto ko maging doctor noon kaya mas swak talaga UPM. Bahala na.
Ayun, nag-break ako sandali sa pag-asikaso at nag-open ng IG. Pagkabukas ko, nakita ko yung story ng pinsan kong UPD graduate. Alam niyo kung ano nakita ko? Nag-bisikleta siya sa UPLB π₯Ί Habang nag-aaply ako sa UP, nasa mindset ko talaga na wala akong expectations kasi UP yon. Hindi ako makakapasa. Sabi ko pa, nasa 1st choice course ko pa yung naka-match ko dati sa Bumble LOL. Nung nakita ko yung story ng pinsan ko, ewan ko, gumaan yung pakiramdam ko pero hindi yung pakiramdam na confident na makakapasa ako. I just know because I had a good feeling sa UPLB when I saw his story.
Nadiscover ko rin yung "Paano Mahalin Ang Katulad Mo" ni Gary Granada. Unang rinig, sinave ko agad sa playlist ko. Ang ganda lang.
Pinasa ko na yung forms ko. At habang pinapasa ko yun, sinasabi ko palagi sa sarili ko na "walang mag-eexpect. Papasa ko lang." Hindi naman ako nag-worry after months of submitting my application. Parang tuloy pa rin ganon. Nakatulong din siguro na campaign season yun at nag-eenjoy ako. Life was good back then.
Come May, lumabas na results. "THANK YOU!" ang lumabas. Kinabahan ako. Noon, di ko pa alam para saan ang thank you. Buti na lang green yung sa akin. DPWAS ako sa UPLB. Di ko alam naramdaman ko kasi hindi naman ako nag-eexpect at di ko naman dream school UP nun pero dun ako nagkaron ng onting hope na makakapasa ako. In-accept ko yung offer.
June 21, 2022, pumili ako ng programs and fortunately, marami pang slots sa 1st choice ko pero yung 2nd choice ko, less than 10 na lang. Hindi ko pinili yung 1st choice ko. Okay naman yung 2nd choice ko kasi at that time nung SHS, nagustuhan ko talaga yung subject na yun kaya ayun yung naging driving force bakit ko siya pinili for college. Pareho naman silang pwede for pre-med.
July 2, 2022, ka-chika ko yung friend ko. Pareho kasi kaming DPWAS sa Elbi. Galing pa ko sa date nito (o diba, life was really good back then) nang bigla niyang cinut convo namin at sabi niya may results na raw. Sa kanya ko pa nalaman na meron na kasi 9PM pa pala lumabas. Kinabahan ako at biglang nanlamig. Cinlick ko yung DIWA portal at habang ine-enter ko yung credentials, cold sweat talaga. I passed UPLB! π Sobrang saya ko at nanginginig. Cinongratulate ako ng friend ko at bumaba para sabihin sa Mom ko. Habang nanginginig, pinakita ko sa cellphone ko yung results, "Ma, pumasa ako ng UP." Tuwang-tuwa siya. Hindi siya makapaniwala. "Congrats, OP!!! Matutuwa si Daddy mo nito." Niyakap niya ko habang nakangiti.
At dun nagpatuloy buhay ko. Summer na namin ito kaya nagrelax lang. Come August, nakahanap na ko ng dorm at nakabili na ng mga gamit. Nag-date pa kami ng family ko before me leaving for college. Medyo na-down ako kasi ang dami kong maiiwan at maiiwanan. But then, I moved in at nakita ko na rin ang Elbi for the first time.
Pasukan na. Welcome freshie activity. Ang lamig pa ng tubig nun sa dorm ko. Ang sarap ng gising ko, fresh air. Daming tao sa street kung saan yung UP dorm. Wala pa kong kilala nun. Ang laki ng campus kasi ang layo ng venue. Whole day lang nasa Copeland. Inabot na ng gabi pero bakit ko nasabi na "Wala akong naramdaman." Hindi man lang ako natuwa o naging looking forward.
Usual classes na after that. Introduction ganyan. Orientation. Normal first day/week things. After that, ayan na. Lessons. Quizzes. Groupings. Nabigla ako. Nalunod ako sa mga gawain. Na-schock. Grabe rin yung breakout ko. Every week ako umuuwi sa amin kasi kailangan ko ng familiarity. Homesick talaga malala. Hanggang sa umabot sa di ko talaga kinaya. One night, bigla na lang pumasok sa isip ko na ayoko na. Gusto ko na umalis. 2 weeks lang lahat to. Nag-consult naman ako sa adviser/prof ko at tinatanong kung sure na raw ba ako na aalis. Sayang slot ko. Mag-LOA na lang daw kaya ako? Overstimulated ako noon kaya ang nasa isip ko, gusto ko lang talaga matigil lahat kaya nag-wihdraw ako. Pinasa ko letter ko sa OUR at after a week, kinuha na documents ko. Crazy how things can change. Pagkatapos nun, na-depress talaga ako. Sobrang dami kong iniisip. Nag-doubt ako sa sarili ko. Na-depress talaga ako. Loneliest time of my life. Nung una, hindi ko pa masabi sa friends ko, pero nasabi ko naman siya nung nasa Elbi ako para kunin na yung mga gamit ko pero sa onti ko lang nasabi. One time, may F2F class kami sa isang sub at may groupings, sinabi ng prof ko sa klase na umalis na raw ako. Nabigla sila lalo na yung mga naging super classmates at few friends ko. Bakit hindi raw ako nagsabi. Eventually, kumalat na rin yung news sa high school batchmates ko.
Months of loneliness and doubting. Sobrang disappointed ako sa sarili ko. How can I leave like that? Na-depress talaga ako. May something going on na sakin matagal na pero parang ito yung last trigger before really feeling depressed. My self-worth is in hell talaga. Ganun kababa. I was so full of shame and guilt. Sobrang nag-overthink. Tumaba ako. Pumangit skin ko. Umitim eyebags ko. Wala akong mapagsabihan ng feelings ko kasi lahat ng close friends ko busy na sa college. Umiyak din ako sa parents ko nun kasi feeling ko talaga sobrang disappointment ko sa kanila pati sa family ko. Supportive naman sila sa decision ko na umalis pero ramdam na ramdam ko yung guilt kasi syempre UP na yun at makakatulong samin financially (di kami ok ngayon financially). I take pride na I'm the 4th Isko in the family pero I failed. Feeling ko ang coward ko.
Kaya ngayon, I took an unplanned gap year at kapag na-mmiss ko UP, pinapakinggan ko lang yung "Paano Mahalin Ang Katulad Mo." Parang kanta ko siya para sa sarili ko at sa UP. Papasok na uli ako this August as freshman ulit pero parang wala akong maramdaman. Hindi ako na-eexcite. Kinakabahan pa nga kasi ilang months akong walang interaction. Yung nararamdam ko ngayon ay: guilt, shame, disappointment. I feel better naman now somehow pero parang nasa puso ko pa rin kasi yung UP. I'm informed better now and clear with my goals. Hindi ko alam kung gusto ko pa ba bumalik ng UP just to say na I'm a UP student pero alam ko kasi sa sarili ko na kaya ko at may ibubuga pa ako. Crazy how I convinced myself that UP was the dream after I left it. Napanghinaan kasi ako ng loob nun sobra pero sapat ba na I've matured by time and been grounded with my goals to come back? But I know nasa puso ko pa rin UP at magiging Isko ulit ako.
It's been 9 months. Grief. I don't know how to start over again. I just feel so empty and lost now.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 year ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/peyups/comm...