This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Jollibee US menu rating based lang to sa akin
Dahil may nagpost sa price ng Jollibee US. Natakam ako. Ito rate ng menu based sa panlasa ko compared sa pinas.
- Chicken - Mas masarap kasi bagong luto at mas malaki. Totoong juicy. Pwede din dalawang Thigh part ang isang order.
- Spaghetti - Kulang sa linamnam pero nung nasanay na ako, ito na standard ko. Di ko na maalala lasa ng spag sa pinas pero for sure ako mas malasa.
- Palabok - Same sa spag. Okay na din kasi nasanay na ako. Pero sure ako mas malasa padin sa pinas.
- Gravy - Mas thick at mas may lasa talaga. Mainit din palagi tipong nakakapaso. Hahaha. Hindi tulad sa pinas kapag minalas ka halos patubig na.
- Pineapple Juice - Masarap talaga lasa. Lalo na yung Mango-Pineapple flavor! The best!
- Mashed Potato - Masarap. Sayang wala na sa pinas ngayon pero dati masarap din mashed potato sa pinas.
- Peach Mango Pie - Mas malaki tsaka madami fillings din.
- Fries - wala ako picture pero yung regular nila large size na sa atin. Madalas bagong luto.
Pros: Dapat talaga maganda quality ng food kasi uso dito demandahan kapag hindi katulad na naka advertise. Bawal puchu puchu at lunot na fries at chicken.
Cons: Iba ang standards kasi sa food dito kaya nag adjust ang Jollibee. Wala din Jolly Hotdog, Shanghai, Macaroni Soup, Hot choco at Breakfast Meals. Huhu.
Share ko lang. Kasi talaga comforting yung Jollibee lalo na kapag ofw. Buti nalang madami dito sa area ko.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 8 months ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/gallery/1b6y9...