This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
So im a dost scholar kasi and nag dodorm ako kasi magastos pag uwian. Sabi noon ni mama, wag ko nalang raw pakialaman yung stipend ko like gawin ko nalang daw na savings ko, or rather 'namin'. Bibigyan nya raw naman ako ng baon at sila rin sa dorm at electricity ko, bukod pa yon sa baon. Inintroduce ko kasi sa kanya yung thought na ilagay ko yung stipend sa digital bank kasi may interest doon para kahit hindi ginagalaw, nadadagdagan sya kahit konti. Kaso sabi ni mama na wag nalang daw kasi baka hindi na mabalik. I told her na safe naman yung digibank na yon and marami ring nagamit nayun yung nirerecommend. May isa pa ngang dost scholar rin na yun yung nirecommend sa akin.
Wala naman akong balak talagang gastusin yung stipend since enough naman yung baon na binibigay ni mama. Ang gusto ko lang is ilagay ko lang sa digibank yung stipend para madagdagan ng konti. Kahit sa gcash, sabi ko dun ko nalang ilagay (sa gcash) kasi may interest din pala pag mag sesave ka doon, kaso ayaw talaga ni mama kasi sabi nya minsan nagloloko raw yung gcash. Sabi nya withdraw ko nalang daw tapos itago sa bahay.
Feeling ko parang wala tuloy akong karapatan gamitin yon (kahit wala naman talaga akong balak, ang gusto ko lang is isave sa may interest) kasi enough naman yung binibigay ni mama tapos sya rin nagbabayad ng dorm and electricity ko. Baka sabihin nya hindi enough yung binibigay nya sakin. Please ano bang maaadvice nyo kasi gusto ko talagang ilagay sa digibank yung stipend ko ðŸ˜
Sorry sa mahabang text 🥹
Subreddit
Post Details
- Posted
- 2 months ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/dostscholar...