This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Hi, baka po may marecommend kayo na remote jobs na walang interaction masyado. Medyo complicated yung kwento ko. Programmer po ako. Nagwork ako sa University and Government pero dami kong pangarap nung bata bata pa ako kaya nagtry ako sa ibang bansa. Hindi pinalad, namolestya pa ng amo tas naliko din sa profession ko talaga. Nagdepression ako with side effect of anterograde amnesia at social anxiety. Ngayon, pati pagsasalita ko naapektuhan na. Dati lagi akong speaker, member ng student council, ngayon halos bulol na magsalita, naghahang palagi. I can't go back to programming na din kasi basta feel ko napakabobo ko na at walang kwenta kasi sobrang purol na ng memory ko. I have to doodle everything. Ilang taon na din akong unemployed, nagtry na lang akong magprint and branding business pero nung natapos yung pandemic, humina yung business kasi nagbalikan na yung mga malalaking business. Nagbusiness dn ako ng Keto products pero nasunugan naman kami kaya lahat nawala. I feel so useless now. Alam mo yung gusto mo na lang mawala pero may catch kasi, magsesettle na mama ko in 2 months time galing pagiging OFW and ako na yung magiging breadwinner ng family. Dati pangarap ko na ibibigay ko lahat sa mama ko, pero walang wala ako. Sana matulungan nyo po ako or may marecommend kayo. Magaling po ako magresearch, pwede sa data entry, at photo editing. Alam ko na kaya kong gawin yung mga VA jobs pero kahit anong apply ko hindi natatanggap.
Man how unfair this life is.. wag po kayo susuko sir hindi nalalayo ang awa sa buhay
Subreddit
Post Details
- Posted
- 2 months ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/classifieds...