This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Maki from Makati
First Pic - This is his first pic noong naiuwi ko na sya from Ayala Triangle. 2 days pa sya nagstay doon dahil inalagaan muna ng workers namin dahil saturday pa ako makakauwi sa bahay that time.
I saw him sa damuhan lang tapos hinahanap ko yung mama cat kaso mag-isa lang talaga sya. Malapit na rin ako maglast day sa work that time at saktong naghahanap rin ako ng aalagaan. 3 days before ko mameet si Maki, kinuwento ko pa sa supervisor ko na ang swerte kako ng mga taong nabibigyan lang ng aso o pusa, sana kako ako rin magkahanap. Gusto ko sana yung kahit tuta or kuting palang para masubaybayan ko lumaki.
Gusto ko rin talaga mag-alaga na ulit dahil magwfh na yung inapplyan ko at alam kong kaya ko na mag-alaga ulit. 2016 pa yung last dahil sobrang sakit mawalan ng pet. So eto na nga, nakita ko sya sa damuhan lang at mukhang naliligaw, umiiyak at mag-isa lang. Tinititigan ko pa sya nang matagal saka ko naisip na baka narinig ako ni Lord lol. Sabi ko pa sa sarili ko, chance ko na to para mag-adopt kaso di pa ako makakauwi until 2 days pa at bawal naman sya sa quarters dahil umiiyak.
Walang pumapansin sakanya, akala ko pa baka merong may-ari. Itinabi ko muna sa akin, at sinama ko sya mag-check sa area dahil nagwowork pa rin ako. Nakita ng workers na dala ko at sinabi nila na iuwi ko na daw. Sinabi ko na gusto ko nga sana kaso hindi pa ako makakauwi, pati wala rin magbabantay sakanya, nag-offer sila na aalagaan nila sa barracks dahil mga mahihilig rin sila sa pusa. Halos lahat sakanila ay nakapag-uwi na ng pusa dahil rin sa dami ng mga maaamong pusa doon.
At ayun na nga, naiuwi ko na sya sa Bulacan. Napansin namin na sobrang dalas nya mabangga sa bahay namin, hindi rin namin mapigil minsan dahil mabilis tumakbo. Kaya hindi sya pupwedeng laging nakalabas sa loob ng bahay dahil halos lagi siyang nauuntog at nababangga. Sinabi rin ng vet namin na either bulag or sobrang labo talaga ng mata ni Maki. Kaya madalas syang naka-cage or kapag playtime ay laging may nakabantay at madalas sa kwarto sya naglalaro para walang masyadong mababangga.
Meron rin kaming napansin, malambing sya sa amin. Sobra. Pero kapag nailabas na sya ng bahay, laging galit at naghihiss kahit sa amin. Noong una, tolerable pa ng vet namin pero sinabi na dalasan raw ang paghimas sakanya dahil baka rin sa trauma sa kalye. Pero sobrang lambing naman ni Maki, tuwing nailalabas lang talaga halos mangagat na. Hindi na rin sya mahawakan ng vet namin simula nung na-sedate at naconfine sya for 2 days dahil nagsusuka. Walang tigil yung growl at hissing nya doon, at mukha nga di nakakakita masyado dahil hindi rin daw makita yung paligid.
Lumala yung aggression nya pag nakakalabas at nakakakutob na pupunta sa vet to the point na di na sya mahawakan ng iba kahit kami. Pero kapag alam nyang nasa bahay na sya, kumakalma na at parang walang nangyari.
Ni-recommend ng vet na ipa-kapon pero wala daw guarantee na mawawala ang aggression. Kaso takot rin ako na ma-sedate ulit. Heart-dropping kasi yung feeling noong na-sedate sya at ayokong maulit ulit yoon.
Meroon bang nakaranas sainyo ng ganito? May chance pa kaya mawala yung paghiss nya tuwing ilalabas? Kahit yung dadalhin lang sa vet pero kalmado na? Past deworm kasi nila ay di na nahawakan ng vet at pinauwi nalang yung deworm. Nagwoworry kasi ako na baka may yearly vaccine na kailangan at baka hindi sya ma-vaccine dahil sa aggression. Ayoko maggive up sa kanya at hindi ko kaya. Kaya gusto ko sana malaman kung may nakaexperience na ng ganito at kung ano ang maging solution nila.
Ngayon, 1 year at 1 month na sya. Mabait, malambing, behave lang at nakakaintindi. Matakaw rin pero regulated na ang food.
TLDR, how do you deal with cat aggression kapag nilalabas pero mabait naman kapag nasa bahay lang?
Subreddit
Post Details
- Posted
- 8 months ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/gallery/1bdq8...