This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Naalala ko kasi dati, late 2020 at $2.50/hr lang ang sahod ko, grabeng pagtipid talaga para makomportable sa pag WFH. Grabeng luho na para sakin na itong wood top table ko na tig 4k na ginamitan ko pa ng Mandaue Foam discount card. Then yung laptop ko noon halos 7 years old na -- di na gumagana ang battery, kailangan nakaharap sa electric fan, 10 minutes na boot time tapos grabeng lag. Yung tig 3k ko na BenQ external monitor, nag ipon rin ako for a whole year.
Fast forward 2024, earning roughly $25/hr (iba't ibang rates kasi for different clients)...Just this 9/9 di na ako nag think twice na bumili ng bagong external monitor (BenQ kasi alam kong matibay) na tag 9k, office chair (hindi gaming chair) na tig 16k sa Mandaue Foam, and Fifine Dynamic Mic na around 3k rin. Ang dami rin kasing sale for the past two weeks hahaha. Side note pa na binayaran ko na lahat ng contribs tax ko kasi feel ko di na masyadong masakit sa bulsa compared to when I was just earning halos 20k per month.
Wala lang, ang sarap ng feeling na makapag invest sa home office, kasi mas lalong may gana na mag trabaho. Next ko namang investan ay ang magpa Belo kasi ang chaka ng kutis ko HAHAHA. Di na kasi naaarawan because of nightshift 🤣
Subreddit
Post Details
- Posted
- 4 months ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/buhaydigita...