This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Nakakarinig si Lord ng dasal. Ilang weeks ako naghanap. May mga dumating na offers pero they were low balling me. May client sa US who accepted me, sa finance. Okay naman ang boss at ang salary pero 9 pm to 5 am ang schedule at kailangan laging online. Nagdasal pa ako. Sana may dumating na mas okay pero masaya na ako. May 2 companies pa na tumawag. Yung isa based sa Australia and halos lahat sila, puro Australians. Kita mo sa website na sobrang galing nila lahat. Sa interview ng HR, ramdam ko kung gaano sya kasaya sa company nya kaya na excite ako sumagot. Nung tinanong ako, ako daw ang hinahanap ko sa company. Sinabi ko yung totoo: sabi ko gusto ko ng mentorship para gumaling ako. At gusto ko masaya pumasok sa trabaho kasi mahirap kapag toxic ang working environment. Puwedeng maging mabait at maging magaling sa work. Nagulat yung HR at biglang lumaki yung ngiti nya. Nagsabi agad sya na kailangan ako i schedule agad for interview sa Director. Nagsabi ako na may offer na ako and she asked magkano salary. Sinabi ko. Sabi nya, we can match that and even double that plus equipments. Then she scheduled an interview right away sa director ko. Australian na babae. Sobrang bait. Sabi ko, okay lang po ba malaman kung tanggap ako or hindi kasi baka mawala yung isang offer ko. Sabi nya, wait for our email no less than 24 hours. 8 hours ang lumipas, their CEO sent me an email at ang sabi gagawa na ng whatsapp group at tanggap na ako! At madalas ako pupunta ng Australia at ng ibang bansa and I can get trainings kapag may course ako na gusto.
Maiyak iyak ako. Ilang linggo na di ko alam kung saan papunta buhay ko. Nag escort ako at suwerte na sobrang bait ng mga nagbook sa akin pero grabe yung ibang messages. Hinding hindi ko na babalikan tong ala alang to. Magmo move on na lang ako sa bagong buhay na ibinigay sa akin. Sobrang saya ko.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 3 months ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/buhaydigita...