This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
TW: SA, R4PE(?)
Grade 7 palang ako nung minolestya ako ng tatay ko. Tatlong beses nangyari yun, at nung pangatlong beses, nagsumbong na ako sa nanay ko. Napalayas naman siya pagkatapos nun.
Dahil doon, hindi na siya nagsustento sa amin. Pagkatapos kong makatapos ng JHS, nag-try ako mag-SHS pero hindi ko rin natapos. Sa edad na 16, nagtrabaho na ako para maging tatay sa mga kapatid ko.
Ngayon, 22 years old na ako at nagtatrabaho na sa BPO. Biglang nagparamdam ang tatay ko nung birthday ko. Pumunta siya dito sa bahay at kahit na mahirap, pinansin ko siya. Kasama ko ang mga kapatid ko, at sabay kaming kumain sa labas.
Nung birthday ng kapatid ko, nag-message siya. Sabi niya:
"Thankful ako sayo, anak... dahil full support ka sa mga kapatid mo. Salamat, sorry sa lahat."
Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Naaawa ako. Naguguilty ako. Tama pa ba 'to? Kasi, dahil sa kanya, maraming nangyari sa buhay ko. Nagkaroon ako ng daddy issues. Lapitin ako ng mga lalakeng nasa 30's, na may asawa na pala. Nainlove din ako sa lalakeng pinagpantasyahan yung traumatic experience ko.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 4 months ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/adviceph/co...