This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Ang hirap pala talaga ng babae no? Ang bilis magmatured ng utak. Yung tipong pag nakuha mo na yung mga kailangan mo sa buhay parang gusto mo na agad magsettle down.
I recently blurted out a very long speech to my live in partner na nahihirapan nakong magkeep up kung ano ba gusto nyang mangyari sa relasyon namin. 6yrs na kami btw. Tinanong ko sya ano plano nya sakin magttrabaho daw sya. Sabi ko "hinde ano ang plano mo para sating dalawa". Di sya umimik.
Yang tanong na yan. Yang putanginang tanong na yan. Napakasimple ng sagot dyan. Pero ang sakit na walang sagot. Ang lalim ng sugat na para kang sinaksak ng knife na gamit sa pangslice ng malalaking tuna sa japanese cooking show. Gasgas na gasgas na yang tanong na yan na halos ayoko nang banggitin kasi nagiging desperada nako. Kaso diko mapigilan. Kasi kasama sya sa mga plano ko sa buhay. Kasama sya sa iniisip ko. Kaya ang sakit sakit palagi. Lalo na nung sinabi nyang ano bang meron sa kasal eh ganon din naman nagsasama dkn naman daw kami sa isang bahay.
Habang tumatagal, kinakain nako ng insecurities ko, ako na sobrang confident na tao, kasi feeling ko di ako maganda para sakanya, di ako sexy, di ako yung tipo nya kaya di sya nageeffort sakin. Feeling ko nagiging komportable nalang sya sa buhay nya sakin kasi napprovide ko lahat ng kailangan nya.
Pinipilit ko naman tanggapin na baka nga nagkapalit kami ng role sa bahay. Na ako ang naging provider at sya ang incharge sa bahay. Nabibigay ko naman lahat ng kailangan nya, pero bakit feeling ko hindi padin ako enough? Sabi nila ang lalake daw kaoag gustong gusto ang babae, lumalabas ang pagiging provider mindset.
Men of reddit pakitulungan naman akong ipaintindi tong gantong mindset nato kung natural man o hindi. Mahal ko tong tao nato, napakabait nya din at caring. Pero when it comes to future plans, wala. Ano ba kailangan kong gawin. Pagod na pagod napo ako.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 4 months ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/adviceph/co...