This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Di ako makatulog. Andami kong iniisip/naiisip. araw araw nalang ganito. That's why tumataas screentime ko kasi the moment na bitawan ko screen at makaramdam ng silence pumapasok nanaman lahat ng thoughts and problema na lagi ko binubrush off. Ambigat sa loob. Nadedepress and ineanxiety lang ako. Andaming kailangan isipin at andami kong kailangan tustusin para mabuhay.
Ang hirap maghanap ng trabaho. At ang hirap magtrabaho habang nag aaral. Puro part time part time lang kinukuha ko before just to get by sa mga expenses ko sa pang araw araw na tustusin before at yung mga madali lang mapasukan na trabahong sideline, umabot sa point na tiniis ko yung 12hrs shift na 200 a day. Hindi ako makapag fulltime job pa nun dahil hindi talaga kaya ng sched last 1st semester. Ngayong sem may free time pa sa Gabi para magtrabaho pero wala na yung tulog dahil pasok nanaman sa umaga. Kaya ngayon ipipilit ko na lang makahanap ng fulltime job Dahil di na talaga kakayanin ng expenses. Sa paghahanap ko palang ng trabaho ngayon at sa dami nang napasahan at pinuntahan ko sobrang gastos na..Yung savings at emergency funds ko hindi na na rereplenish. di narin kaya ng mga side gigs dahil hanggang basic needs nalang nabibigay nun, minsan kulang pa.
Nag aaral pa ako as first year college. Originally nakatira pa ko sa province, at gustong gusto ko talaga ituloy pag aaral ko at makapag tapos. Ilang beses na rin ako nag stop before nung high school dahil financially incapable, pero pinilit ko na tapusin yun. Pero ang hirap din pala nang ganitong sitwasyon. Lalo na pag independent/self sustaining individual ka na wala nang ibang tumutulong o gumagabay sayo kaya mas malungkot. Tapos nasa malayo ka pa, ang lonely at pakiramdam mo walang taong nandiyan para sayo (even tho na kahit nasa hometown ganun din naman pakiramdam at family ko dun).
Nag take ng risk ako na mag aral dito sa manila dahil nga gusto ko ipursue education ko at nagkaroon ako ng opportunity to study. Kahit alam ko na magiging mahirap, pero sobrang hirap pala kapag nasa hanging point ka nalang. Nilakasan ko loob ko sa pag decide ko nun. Pero ngayon nag d-doubt na lang ako kung ipag papatuloy ko pa yung pag aaral ko or kung kaya ko pa ba talaga.. O kung ipagsasabay ko yung trabaho at pag aaral (pero alam ko maapektuhan nang sobra health at acads ko) dahil mas mabigat sched ko ngayong sem at samahan pa ng full time sched na mawawalan ng sleep time.
Ang hirap din kasi tuwing lalabas ako, pinapakita ko sa mga tao na okay lang ako, Masaya lang tapos palagi lang nakangiti. Pero pag uwi o kapag magisa na ko. ganito nanaman kabigat loob at mga iniisip ko.
Iniisip ko gusto ko nalang nawala, o kaya kung kakayanin ko pa ba lahat. Ngayon palang kasi di ko na maintindihan sarili ko, what more pa kaya in the long run..
Sorry napa rant ako. Gusto ko lang talaga maglabas ng saloobin. Kindly share advice na lang din if may maisshare man kayo 🥲 ayun lang I hope everyone can have a good night, pahinga kayo and God bless.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 day ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/adultingph/...