This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Maiba lang sa mga post dito regarding responsibilities nila sa bahay, magulang, at pamilya.
2008, wala na akong Tatay dahil kinuha na sya ni Lord. Ang Nanay ko lang ang nagtaguyod katulong ang Tita ko sa lahat nang bagay; pag-aaral, mga gamit, at mga kailangan naming magkapatid.
2017, grumaduate ako ng college. Wala pa rin kami. Binubuhay lang ng maliit na tindahan ang pang-araw araw namin at pang-apply ko sa trabaho. Hindi ko man lang naringgan ang Nanay ko na magtrabaho ako para makatulong ako sa kanya. Wala. As in nada.
2024, may maayos naman ako at kapatid ko na trabaho. Nag-aaral ulit ako. Ngayon nabibigay ko lahat sa Nanay ko ang gusto niya; tv, 6 burner gas range, grocery, alahas, bagong cellphone taon taon. Pero NEVER humingi ng pera mula sa sweldo ko. Ang dahilan nya? Ang sabi ng Tatay ko nung nabubuhay pa, di namin sila obligasyon. Sila ang bubuhay samin, hindi vice versa. Palagi nya ring sinasabi na mas maganda sa pakiramdam yung prinoprovide-an sya nung mga kailangan kesa bigyan ng pera dahil once magbigay kami ng pera sa kanya, yun na yun.
Mahal ko si Mama hindi dahil hindi siya humihingi ng pera sa akin, pero dahil mahal niya kami higit pa sa kung anong maambag namin sa mesa.
Andami nating lucky sa Mama! :)
Subreddit
Post Details
- Posted
- 2 days ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/adultingph/...