Coming soon - Get a detailed view of why an account is flagged as spam!
view details

This post has been de-listed

It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.

7,539
My company paid my bank debt πŸ˜­πŸ™πŸ½
Post Flair (click to view more posts with a particular flair)
Post Body

I worked in a private institution. Mataas naman ang sahod. Nakaipon ako at nakapundar ng sasakyan a few years back at nakalipat narin ako sa maayos, malinis, professional, at tahimik na tirahan.

Breadwinner ako. Marami akong tinutulungan na kapatid at mga pamangkin.

Na-ospital ang kuya. At dahil wala naman siyang asawa, nagtulung-tulong kaming magkakapatid para sa hospitalization and medicine niya. At dahil ako lang professional sa amin, halos lahat ako ang sumagot sa gastusin. Naubos ang savings ko at pati CC ko na max out at matagal kong hindi nababayaran.

Umabot na sa endorsement sa collection yung utang ko sa CC at may demand letter na. Pati lawsuit ng Estafa, meron narin. Sa Nov. 11 dadamputin na ako.

Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pambayad dahil yung utang ko umabot na ng 85k. At alam kong hindi ko β€˜yon mababayaran kasi nga simot na ako.

Kahapon, nagpakumbaba na talga ako at nagbakasakali sa HR namin. Sinabi ko yung problem. Iyak ako ng iyak kasi willing silang bayaran bayaran in full yung utang ko. Bale salary advance ang maggiging arrangement at payable siya in 36 months πŸ˜­πŸ™πŸ½ At nasa Php1,180 lang ang kaltas sa akin every 15th and 30th of the month.

On the same day, nakuha yung check. Derecho agad ako sa bank and after a fee minutes, BAYAD NA πŸ˜­πŸ˜­πŸ˜­πŸ™πŸ½πŸ™πŸ½πŸ™πŸ½

Sobrang grateful ako sa work ko. Hindi ko akalain na gano pala kalaki ang puso ng mga katrabaho ko 😭

Image
Author
Account Strength
60%
Account Age
1 year
Verified Email
Yes
Verified Flair
No
Total Karma
2,787
Link Karma
2,605
Comment Karma
182
Profile updated: 3 days ago

Subreddit

Post Details

We try to extract some basic information from the post title. This is not always successful or accurate, please use your best judgement and compare these values to the post title and body for confirmation.
Posted
1 month ago