Coming soon - Get a detailed view of why an account is flagged as spam!
view details

This post has been de-listed

It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.

17
I always want to help but ako na lang ba lagi?
Post Flair (click to view more posts with a particular flair)
Post Body

Hello everyone. Gusto ko lang magkwento and hope to get your comments.

Early 30s. I'm a VA for 3 years and earning around 70k per month and I'm living with my parents and two siblings.

Di po ako magaling magkwento, please bear with me.

I just wanna share kasi right now, sobrang nalulungkot ako sa nangyayari sa amin. We are a family of 6, pero may asawa na yung isa sa kapatid ko so 5 na lang kami sa bahay. Well off naman yung family namin, may sarili kaming bahay, may kotse and may pera naman.

Two years ago, I took over yung pagbabayad ng bills sa bahay kasi kaya ko naman, I pay our electricity and groceries on a weekly basis. Pero kasi, nafefeel ko na sa aming magkakapatid, ako lang yung kumikilos, ako lang yung nagbabayad ng bills, yung panganay kong kapatid, super tambay, as in never nagwork after gumraduate nung college kahit isang araw, nakaasa lagi sa parents ko and kung ano ano pinapabili. Yung bunso ko naman na kapatid, may trabaho, pero puro naman online shopping and wala masyadong naitutulong sa bahay. Favorite child din pala ng mother ko yung panganay kasi lahat binibigay. To the point na pag may sakit yun, or birthday, ura urada sa lahat, bigay nito bigay nyan ang parents ko. Sakin, never ako nakatanggap ng kahit ano lalo pag may sakit ako, never man lang ako nabigyan ng gamot.

I work at night, lalo na, pag gigising ako sa hapon, pag gusto ko kumain, walang pagkain sa bahay, lagi na lang akong umoorder sa labas. Tapos kapag hindi ako nakakapaggrocery sa bahay, dahil nga busy din ako sa work, and wala ako masyadong time, di ko magawa (Ayoko rin kasi ibigay sa parents ko yung pera kasi pag nagbibigay ako, sa ibang bagay ginagamit).

Also, pag gusto kong kumain tapos alam ng parents ko na walang pagkain, parang wala lang silang pake, di man lang ako papansinin at pababayaan lang ako maghanap ng food kahit wala tapos kapag pansin nila na nainis ako, sasabihin lang "Walang pagkain".

Feel na feel ko din lagi na inaantay lang ako lagi mag grocery, at kapag di ako makapag grocery, wala na din silang gagawin, nganga na lang. Like, hindi ba kayo naaawa sa akin? Ako na nga nagbabayad sa lahat, puyat sa work, pagkain lang hinihingi ko, di nila maibigay.

Also, I want to singit lang na yung mom ko, gusto lagi na pag invest-in ako sa mga bagay na hindi ko naman gusto, may sarili akong investments. Gusto nya bilin ko sa kanya yung mga binili nyang properties dati, which is hindi ko rin gusto.

Nakakaburn out lang to the point na gusto ko silang iwanan na dito para matuto sila sa buhay at magsumikap para sa sarili nila kaso di matanggal sakin yung pagaalala na paano na sila?

Nakakapagod.

Author
Account Strength
10%
Account Age
1 year
Verified Email
No
Verified Flair
No
Total Karma
113
Link Karma
92
Comment Karma
21
Profile updated: 5 days ago
Posts updated: 6 hours ago

Subreddit

Post Details

We try to extract some basic information from the post title. This is not always successful or accurate, please use your best judgement and compare these values to the post title and body for confirmation.
Posted
11 months ago