This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Hello! Minsan ba napapaisip din kayo kung paano nakabili yung mga boomers or gen x or mga magulang natin ng bahay? Nearing 30 nako pero di ko pa rin maisip kung makakabili bako ng bahay anytime soon.
I am from Metro Manila and prefer ko talaga dito bumili ng house since dito workplace namin ng partner ko. We're currently renting a condo unit in Manila area and paying for it ~30k/mo with 1 parking slot. Syempre naguusap usap na kami about having our own place na rin pero as much as possible townhouse/house and lot sana since ang daming gastos sa condo and ang liit ng space.
May specific requirements sana kami like sa townhouse, prefer namin gated sana (yung may common gate style). Anyway, ang problema, sobrang mamahal ng mga properties dito sa NCR. Yung mga mura like Nova, Valenzuela, Fairview, Paranaque, LP, eh ang lalayo na sa workplace namin. Before, we were thinking na Paranaque/LP nalang sana pero ang daming nagsabi na sobrang traffic na raw sa cities na to at madalas pa walang tubig.
We're limited lang sa options kasi ayaw naman namin iwanan workplace namin since hindi naman ganon kadali maghanap ng work and matagal na rin kami sa work namin. So ang choices lang namin is Manila, Pasay, Makati, Manda or southern QC. Ang hirap din kasi sa condo walang katapusang condo dues na ang mahal, tapos yung pasok lang sa budget namin is around 30-50sqm lang.
Nakakapagtaka lang, grabe presyo ng properties pero paano nabili yun ng mga unang generation? Parang wala ng mahahanap na below 10M ngayon sa NCR na matinong bahay e. Kung meron man, need pa bonggang renovation. Saan naman ako kukuha ng 10M and up. Tipong patay ka na't lahat, nagbabayad ka pa rin ng loan.😅 Siguro before mura pa talaga yung property tas syempre nagaappreciate sila sa value. Naisip ko lang, tumataas lagi value ng property, pero ang sahod hindi naman. 🥲
A lot of my cousins/relatives still live with their parents kahit may pamilya na sila, or kaya naman binigyan sila ng parents nila ng bahay/condo.
Baka may masuggest kayong okay na townhouse in Manila/Pasay/Makati/Manda 😅
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 year ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/adultingph/...