This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Utang na loob naman bago kayo mag-post sa subreddit na ‘to, i-check niyo muna kung against ba siya sa rules o hinde. Bukod sa nakalagay na nga sa details ng sub na ‘to kung ano ang mga rules, may pinned post pa kung ano ang pwede at bawal i-post. Tapos kapag na-remove ang post niyo or na-ban kayo, sasama ang loob niyo sa mga admin at sasabihin niyong pine-personal namin kayo. Eh kung magbasa kaya kayo ng rules bago kayo mag-post? 🙄🤦🏻♀️
For the NTH time, eto ang mga BAWAL:
Mag-post ng mga bagay na hindi naman related o walang kinalaman about Transwomen. Kaya nga r/TransPinays ang name ng subreddit na ‘to mga beh. So pag ang post niyo walang kinalaman o di nagbabanggit ng kahit ano tungkol sa mga trans, wag niyo nang i-post. Tatanggalin lang din namin ‘yan. Hindi niyo rin twitter ‘tong sub na ‘to so wag kayo mag-post dito na bored kayo (without pic) or naghahanap kayo ng kalaro sa ML.
Mag-post ng kahit na anong uri ng advertisement — explicit man ‘yan or subtle, any post that implies you are offering a service or subscription will prompt us to remove your post. Including but not limited to: Camshows, Subscriptions of your telegram, OnlyFans, JustForFans, Gank, Pornhub, YouTube, and any other social media.
r4r posts — any posts that explicitly or subtly invites anyone to do something. Including but not limited to: telling people to DM you, invitations for meet-up, hook-up, videocall, sexting, nude exchange, etc. Kung gusto niyo humanap ng kausap, ka-meet up or ka-hook up, dito kayo mag-post: r/phlgbtr4r , r/PhR4Dating , r/PhR4Friends , r/Phr4Landi , r/phr4r , r/dirtyphr4r_
Posting/commenting of pornographic and social media links. This is not the right subreddit to post pornographic and social media links mga beh.
Spamming — 1 post per day lang tayo dito mga beh, at saka bawal mag-reupload dito ng mga photo kapag na-upload niyo na nang isang beses before.
Posting photos of people who are not you especially without their consent. Kung magpo-post ka dito ng picture tapos hindi naman ikaw ‘yun at wala kang consent ng taong nasa picture, wag mo nalang i-post dito kahit trans pa ‘yan. We value consent and respect in this subreddit.
Transphobic behavior — this subreddit is dedicated to transwomen and we want this sub to be a safespace for them. Automatic permanent ban sa kahit na sinong magpo-post or magco-comment ng kahit na anong Transphobic remarks.
Doxxing — basic reddiquette lang ‘to mga beh, walang laglagan ng identity ng mga ibang tao dito kahit pa kita ang mukha nila sa mga uploads nila.
Oh ayan tagalog na ‘to hah… Klaro naman na siguro kung ano ang mga bawal at pwedeng i-post. Kapag nag-post pa rin kayo ng bawal tapos na-remove post niyo or na-ban kayo, wag niyo kaming dadramahan mga admin na kesho pine-personal namin kayo or tao lang din kayo na nag-kakamali lang. Wag niyo rin sasabihin na unfair kami at namemersonal kami dahil may rules dito at hindi namin kayo iba-ban nang walang sapat na dahilan. Kapag may post kayo at hindi kayo sigurado kung pwede or bawal i-post, you can message us admins about it. And please report ‘yung mga nakikita niyong nagvi-violate ng rules, so we can keep this subreddit clean and true to its purpose.
Ayun lang, thank you!
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 year ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/TransPinays...