Coming soon - Get a detailed view of why an account is flagged as spam!
view details

This post has been de-listed

It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.

5
Hiraya
Post Flair (click to view more posts with a particular flair)
Post Body

Maligayang Pasko sa iyo.

Nitong nakakalipas na mga araw ay tila sinusubok ako ng pagkakataon. Kung kailan magpapasko, tsaka may mangyayaring bagay na mas makakapagpaalala sakin tungkol sayo. Anim na buwan na rin ang nakakalipas noong huli tayong nagkita, walong buwan na ang nakakalipas noong huli ako makatungtong sa inyong tahanan, sa iyong barangay. At ngayong pasko ako ay naririto sa ibang parte ng iyong barangay, nagdiriwang ng pasko, ang kaibahan lang ay hindi na tayo nag uusap pa. Natanaw ko kanina ang papasok sa inyong bahay noong papunta sa resort na aming pupuntahan, bumalik sakin ang mga alaala at ang katotohanan na minsan sa isang bahay sa barangay na ito ay nagsilbi rin aking tahanan at tinuring ako kabilang sa pamilya.

Gusto kitang batiin, gusto kong magreach out pero hindi ko magawa. Tingin ko kasi makakagulo lang ako sa mas payapa mo na mundo. Hiling ko lang sana na palagi mo alagaan ang sarili mo. Palagi kitang naiiisip at iniintindi. Hindi pa rin naman nagbabago ang pagmamahal ko sayo. Mas nangingibabaw nga lang ang takot na baka magkasakitan lang muli tayo.

Sanay na ako na wala ka pero alam kong kulang ang buhay ko nung nawala ka. Muli, Maligayang Pasko sayo Hiraya ko. Mahal na mahal kita.

Author
Account Strength
40%
Account Age
7 months
Verified Email
Yes
Verified Flair
No
Total Karma
265
Link Karma
12
Comment Karma
253
Profile updated: 6 days ago
Posts updated: 2 days ago

Subreddit

Post Details

We try to extract some basic information from the post title. This is not always successful or accurate, please use your best judgement and compare these values to the post title and body for confirmation.
Posted
1 week ago