Coming soon - Get a detailed view of why an account is flagged as spam!
view details

This post has been de-listed

It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.

1
A Letter to My One and Only Love
Post Flair (click to view more posts with a particular flair)
Post Body

I hope I didn't ruin anything for writing you a letter. Ang dame ko talagang gustong sabihin that day when you said you no longer want me as your husband and partner. But first off, please hear me out this time na that I sincerely and madly would like to ask for your forgiveness. Di ko alam kung mapapatawad mo pa ako pero tatanggapin ko iyon ng buong buo dahil alam kong labis kitang nasaktan at pinarusahan.

Masyado akong nakatingin sa malayo. Di ko napansin na nabitawan ko na pala ung kamay mo. Ang sakit nun sobrang sakit kasi wala naman akong hinangad na may mangyari sayo na hindi maganda lalo na sa career mo pero nangyari na. Araw araw kong pinagdarasal that the Lord would purify the hearts and minds of those who might have judged you because of what happened as in cleanslate na parang walang nangyari walang kumalat.

Nasobrahan lang talaga ako ng pagiisip umabot na sa point na natakot ako na baka one day...one day... bigla ka na lang mawala.. At ayun na nga nangyari na. Ang pinakakinatatakutan kong mangyari sa lahat na pwedeng mangyari ayun pa talaga ang nangyari. Pero gusto ko lang din sana isa isahin ung mga naalala ko after you asked me kung kelan ba ako naging gentleman? Bigla kong naalala na oo nga kelan ba ung last time na masaya na ako na dalhin ung mga gamit mo?

Bigla kong naalala ung mga panahon na nagsisimula pa lang tayo.. Simpleng buhay dala ko lage gamet mo pati pagbaba at pagsampa sa jeep sinisigurado kong safe ka at naalalayan - na hindi ko alam bakit hindi ko na nagagawa at dun ako labis na nalungkot. Simple act of love pero sa paraang yun naramdaman mo kung gano ka kahalaga at gano kita iniingatingatan san man tayo mapadpad. Isa pa ung about sa kaarawan ng family mo.

Naalala mo nuon? Ako pa mismo nagtatanong sayo paminsan nagreremind if nagreet mo na ba sila? Na bigla rin nawala kung kelan tayo nagkaron ng accessibility to pay them a visit any day we want. Dahil sa nangyari, unti unti mas nakikita ko kung panong ako na mismo ang nagtulak sayo palayo na akala ko nakayakap pa ako sayo. Sana kung may pagkakataon pa na mabuo tayo ulit.

Hayaan mong ako naman ang umalalay sayo. Hayaan mong ako naman ang magtulak sayo pataas. Hayaan mong ako naman ang magalaga sayo pati na rin sa mga anak natin. Hindi ako mangangako but instead gagawin ko ito ng buong puso at buong buo. Handa na akong ipakita kung gano kita sobrang mahal. Kung gaano ko sobrang gustong ingatan ang pamilya natin. Sana kung dumating man ang panahon na pwede na tayo ulit mag simula, hayaan mong ako naman ang maging susi para maramdaman mong buo ka na ulit.

Buuin natin parehas ang mga pangarap natin pati ang kinabukasan ng mga anak natin. Pasensya ka na kung super haba eto kasi ung naisip kong paraan para maparating sayo kung ano ang nilalaman ng puso ko. Sana mabasa mo ito at ingatan.

Hindi ako magsasawang sabihin sayo kahit magpakailan pa man at uulit ulitin na IKAW PA RIN ANG PIPILIIN sa araw araw maging sa susunod na habang buhay.

Author
Account Strength
30%
Account Age
1 month
Verified Email
Yes
Verified Flair
No
Total Karma
3
Link Karma
1
Comment Karma
2
Profile updated: 5 days ago
Posts updated: 2 days ago

Subreddit

Post Details

We try to extract some basic information from the post title. This is not always successful or accurate, please use your best judgement and compare these values to the post title and body for confirmation.
Posted
3 weeks ago