Coming soon - Get a detailed view of why an account is flagged as spam!
view details

This post has been de-listed

It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.

30
To my future wife 11/16/24
Post Flair (click to view more posts with a particular flair)
Post Body

Mahal, Baby ko, wag ka sanang magtampo kung sakaling magkasama na tayo at mabasa mo ito. Ano kasi, nag relapse ako. Hindi ko maintindihan din kung bakit bumabalik na naman yung memories. Nung previous weeks okay naman ako pero itong week ang heavy talaga niya Mahal. Siguro, kung totoo nga yung sa Astrology, nasa final purging stage ako ngayon dahil malapit na mag November 19. Matatapos na daw ang kalbaryo ng mga cardinal signs.

Mahal, sa mga panahong sinusulat ko ito, aaminin kong may natitira pa rin akong pagmamahal sa taong iyon. Hindi naman rin nawawala ang love diba? nababago lang. Pagpasensyahan mo na at masyadong mapagmahal ang asawa mo. Huwag kang mag-alala dahil sigurado naman na kapag pinagtagpo na tayo, buo yung matatanggap mong pagmamahal galing sakin. Wala kang kahati.

Sa ngayon, mahirap pa rin talaga para sa akin. Literal na hirap akong makabangon sa higaan. Walang gana sa buhay. Pero kahit ganon, sinisikap ko pa rin lumaban sa araw-araw. Kanina nga Mahal, iniyak ko na para na rin mailabas ko. After ko umiyak, naisipan kong mag general cleaning ng kwarto. Kasi kung makikita mo yung kwarto ko ngayon, para akong nag long celebration ng Halloween. Marami nang agiw yung kwarto ko Mahal. Parang di pa siya ready para sa Pasko. Eto, nakapag walis at mop na, mamaya babalikan ko naman yung mga gamit ko sa workstation saka damit. Kahit papaano nakatulong siya para ma-distract ako although naiiyak pa rin ako talaga.

Baby ko, wag kang magseselos ha. Ikaw kasi, antagal mo rin eh. Pero naiintindihan ko naman. Baka kaya di pa time talaga kasi may mga kinakaharap ka pa rin na sitwasyon. Nafi-feel ko na gusto mo rin maging best version ng sarili mo pag nagkatagpo na tayo. Ganon din ako, gusto kong maging best version para sa'yo. Pero wag din tayong masyadong harsh sa mga sarili natin Mahal, ha? Kahit anong version ang meron ka ay tanggap kita ng buo at patuloy kitang mamahalin. Wag ka masyado mag overthink. Hindi natin kailangan maging perfect para matawag na 'best' partner.

Sige na Mahal, Baby ko, hanggang dito na lang muna. Hindi pa rin ako tapos maglinis ng kwarto eh. Susulatan ulit kita sa sunod. Mag iingat ka lagi, kung nasaan ka man. Wag ka mag-worry masyado, taong-bahay naman ako saka di rin mabarkada. Makakaasa ka na sa pagsasama natin, priority ko yung mabigyan ka lagi ng assurance at peace of mind sa relasyon natin.

I love you.

I love you.

I love you.

Mahal na mahal kita.

Sa susunod ulit.

Author
Account Strength
40%
Account Age
2 months
Verified Email
Yes
Verified Flair
No
Total Karma
265
Link Karma
253
Comment Karma
12
Profile updated: 3 days ago
Posts updated: 5 hours ago

Subreddit

Post Details

We try to extract some basic information from the post title. This is not always successful or accurate, please use your best judgement and compare these values to the post title and body for confirmation.
Posted
1 week ago