Coming soon - Get a detailed view of why an account is flagged as spam!
view details

This post has been de-listed

It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.

4
Sa aking butihing maybahay sa hinaharap,
Post Flair (click to view more posts with a particular flair)
Post Body

Nakakaramdam pa rin ako ng pangungulila sa'yo. Gusto na kitang makasama.

Hanggang kailan pa ba aabutin ang lakbayin natin bago tayo pagtagpuin ng tadhana?

Sa ngayon, kasalukuyan akong nagpapahilom ng mga sugat kong natamo sa pag aakalang natagpuan na kita. Masakit man, wala akong pagsisisi. Alam kong kailangan ko itong tahakin dahil sa paniniwalang ito ang tamang daan patungo at papalapit pa sa'yo. Walang pag iinda kong haharapin lahat matagpuan lang kita, dahil mahal kita.

Oo, mahal kita.

Mahal na mahal kita.

Pinakamamahal kita.

Hinding hindi ko pagsasawaang sabihin at iparamdam ang aking pagmamahal dahil ako'y nandirito't nabubuhay, sa layunin na mahalin ka hanggang sa aking huling hininga.

Sa tinakdang panahon ng ating pagtatagpo, sisikapin kong punan ng aking buong pagmamahal ang mga panahon na wala pa ako sa iyong piling.

Author
Account Strength
40%
Account Age
2 months
Verified Email
Yes
Verified Flair
No
Total Karma
265
Link Karma
253
Comment Karma
12
Profile updated: 3 days ago
Posts updated: 5 hours ago

Subreddit

Post Details

We try to extract some basic information from the post title. This is not always successful or accurate, please use your best judgement and compare these values to the post title and body for confirmation.
Posted
1 week ago