Coming soon - Get a detailed view of why an account is flagged as spam!
view details

This post has been de-listed

It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.

10
Sa ngayon
Post Flair (click to view more posts with a particular flair)
Post Body

Baka sa ngayon kaya ka andito Para mahalin mo muna ang iyong sarili Mga katunangan na hindi mo masagot Baka sa ngayon hindi mo pa naririnig

Baka sa ngayon kaya ka nasasaktan Ay dahil kailangan mong mapagdaanan Mga pagsubok na sayo'y magpapatibay at bubuo Baka sa ngayon kailangan mo muna piliin ang sarili

Baka sa ngayon kaya magulo ang mundo Dahil mas pinipili natin unahin ang iba Na akala natin ay magpapasaya sa atin Baka sa ngayon kailangan mong malaman na ang totoong kasiyahan ay nagmumula sa iyong busilak na puso

Sa ngayon, itahan na ang iyong mga hikbi Mga matang sumasamo ng kasagutan sa iyong panalangin tuwing gabi Alam ko ang iyong puso ay napapagod at nasasaktan Pero sa ngayon, kumapit ka lang at lahat ay maiintindinhan mo rin

Kaya sa ngayon, lumaban ka lang, at lumaban ka pa Maaaring umiyak at magpahinga ngunit hindi susuko malaman ang katotohanan Ano nga ba ang dahilan ng lahat ng pangyayari Sa ngayon, manalig ka, lahat ng pag aalinlangan, katanungan, sakit, at pagod, ay mahahapo rin.

Author
Account Strength
50%
Account Age
1 year
Verified Email
Yes
Verified Flair
No
Total Karma
1,927
Link Karma
441
Comment Karma
1,476
Profile updated: 3 days ago
Posts updated: 1 month ago

Subreddit

Post Details

We try to extract some basic information from the post title. This is not always successful or accurate, please use your best judgement and compare these values to the post title and body for confirmation.
Posted
3 months ago