Coming soon - Get a detailed view of why an account is flagged as spam!
view details

This post has been de-listed

It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.

8
I finally had the guts to block you, again.
Post Flair (click to view more posts with a particular flair)
Post Body

Sobrang hirap tanggalin sa utak ko nung sinabi mo na "ayaw ko na" nung kinausap kita. Paulit ulit nagrereplay sa utak ko yung mga sinabi mo. Sobrang hirap na sarili ko mismo kalaban ko dahil nasasaktan na ako at the same time gusto ko pa rin ipaglaban yung sa atin.

In-unblock kita after natin mag usap kasi gusto ko basahin yung mga pinag uusapan natin noon. Gusto ko makita uli yung sinasabi mo sa akin na mahal mo ako, yung tinatawag mo akong "love" o kaya naman "baby". Sarap sa pakiramdam non. Kaso masakit. Araw araw ko tinitignan yung "you cant message this person" pinaparamdam ko sa sarili ko yung sakit, yung ayaw mo na talaga sa akin, para one day magkaroon ako ng lakas para tuluyan na akong sumuko.

Nakita ko na lang bigla na in-unblock mo ako. Ang hirap kasi bigla ako nagkaroon ng hope na baka "pwede pa". Alam ko na maghahabol ako once na nakita ko na naka-unblock ako. Kaso ubos na ako. Kasi kung gusto mo pa talaga ikaw mismo ang lalapit sa akin. Kung mahal mo ako o minahal mo man ako, hindi mo ako hahayaan na palagi masaktan dahil sayo.

Gusto ko na lumaya sa pagmamahal na inakala kong totoo.

Author
Account Strength
60%
Account Age
3 years
Verified Email
Yes
Verified Flair
No
Total Karma
225
Link Karma
112
Comment Karma
113
Profile updated: 2 days ago
Posts updated: 7 months ago

Subreddit

Post Details

We try to extract some basic information from the post title. This is not always successful or accurate, please use your best judgement and compare these values to the post title and body for confirmation.
Posted
8 months ago