This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
salamat nalang din siguro na sumulpot ka bigla sa panaginip ko no? ang tagal na rin kasi, tatlong taon na. tatlong taon na rin ako nagabang, tatlong taon ako nagbakasakali, tatlong taon na rin umasa, tatlong taong kumapit sa mga nanguusap na tingin.
kung tutuusin, tanggap ko na eh, na wala naman talagang patutunguhan to, masyadong mapagbigay ang mundo sa mga pagsubok na patuloy tayong pinagbibitaw. hindi ko na kaya kumapit sa mga matatamis na "bahala na". masyado akong nagpaniwala na sa tadhana. alam ko naman nang wala na talaga, hindi ko lang inaamin. pakiramdam ko kasi nasa katwiran ako na manghingi ng paliwanag, na para bang nangaliwa ka. pero nakakahawa ang pag asa.
buti nalang talaga at sa pagtulog ko ay andun ka, at lalo lang ako nagkaroon ng lakas para bitawan at kalimutan ka.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 year ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/PinoyUnsent...