This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Hello! I finally had the courage to look at some of our conversations again. I read the part where it all changed. ‘Yung turning point na hindi ko alam na turning point na pala until you told me in the end. I saw the reason for that argument - the legend of inuman as I labeled it on my mind. I feel bad because I should have understood you more. I should have been more patient that time. Alam ko na hindi ka okay pero instead of supporting you, dinagdagan ko pa. I am really sorry for being selfish that time. Siguro kung hindi rin ‘yon nangyari, hindi naman magbabago ‘yung isip mo. Bumalik ka na e, tapos inaway pa kita. And that specific fight, it’s the beginning of the end. It culminated to the point where I failed to choose you. Sa panahong binitiwan ko na ‘yung taong mahal ko. I will forever regret failing to choose you at that moment kasi hindi ko pinili ‘yung taong mahal ko.
Reading our conversation and taking a glimpse on the past made me remember that I may not have chosen you, but I chose myself that day. Alam natin dalawa na tama na itigil na dahil hindi ka handa samantalang ako ay ubos na. Nasa punto na tayong malinaw na hindi mo kayang magbigay at wala na akong maibibigay. Ngayon, naalala ko na kung bakit kailangan natin maghiwalay. Alam kong ito ang tamang desisyon pero makulit ako, so, hahanap akong loopholes just to be with you again. Hahanap akong rationale para ipaglaban na pwede pa kasi mahal kita at gusto kong patuloy kang mahalin. And guess what? I found my loophole. Tama na naghiwalay tayo noon kasi pagod na ako at hindi ka handa. Pero nasa nakaraan na ‘yon. Sa kasalukuyan, baka pwede na ulit? Baka pwede na habang nag-iipon ako ng lakas ay nasa tabi kita habang naghahanda ka. Baka pwede na sabay natin buuin ang mga sarili natin.
Kaya lang hindi naman ako ganoon ka hangal. Hindi dahil may loophole, kaya na mangyari ng hinahangad ko. Hindi ito isang term paper na pwede kong idaan sa loopholes ang argument. Gising na ako sa katotohanan na. Hindi ko sinasara ang mga posibilidad pero tinatanggap ko na kung anong reyalidad ngayon. Iyon ay ang katotohanan na wala ka na sa buhay ko at wala na akong mapapala sa pag-iisip ng mga sana at paano kaya kung. Tanggap ko ng hindi na pwedeng bumalik at hindi mo na rin nanaisin pang ipagpatuloy ito. Pasensya na kung nagtagal ngayon lang kasi ako nagkalakas ng loob na harapin talaga ang nangyari sa atin. Titigil na ako sa kung ano mang ginagawa ko. Ito na rin ang huling sulat na gagawin ko para sa’yo. Mananatili kang laman ng mga panalangin ko at patuloy kong hihilingin ang kagalingan at kapayapaan para sa iyong puso.
Wind to your sails always
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 year ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/PinoyUnsent...