This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
(Long post)
Linggo. Tradisyon na nating mga Pilipino na magsimba simula bata pa. Sama sama ang pamilya.
Nang lumaki ako dumalang dahil sa pagod, kulang sa tulog, at stress sa trabaho. Saka sa work ko laging may misa. First and last week of the month tapos pag special events din. Sectarian school kasi.
Nagsimba kami ng pamilya ko. Ngayong taon pang 5 beses palang yatang kaming nakumpleto kanina. Principal sponsor pa kami. Kahit na ganun nagbigay pa rin si Mama ng ikapu dun sa mga Tita nating may lambat kanina. (I forgot kung ano tawag sa kanila)
Kumakanta ng Ama Namin nang marinig namin yung concern ng isang Kuya. Nakaupo sila sa likuran namin. Tinanong niya kung gusto bang uminom ng Lolo ng tubig. Wala kaming narinig na pagsagot. Ungol lang. Mayamaya may narinig kaming pagdulas. Napalingon ako at nakita ko na matutumba ang Lolo. Alalay agad ako sa harapan. Matigas at malamig ang kamay niya, may laway na tumutulo. Kinabahan na ko. Natanto kong nasostroke si Lolo.
Di na ko mapakali. Di na ko makakanta ng Ama Namin. Tumingin ako kina Mama at Papa. Tuloy lang sila sa pagtitig sa harapan, sa altar habang kumakanta.
Ilang beses ko rin kinalabit si Mama pero mahigpit ang hawak niya sa kamay ko. Lumapit yung mga titang may belo na taga simbahan. Pinaamoy ng white flower ang lolo. Dahan dahang pinaupo. Nagtama ang mata namin ng lolo. Kinalibutan ako. Umiwas ako ng tingin. Nakita ko yung ibang nagsisimba na halos nagbubulagbulagan sa nangyayari. Iniiwas din nila ang mga mata nila.
Tumawag ng tricycle yung kuyang kasama niya. Madaling binuhat ang lolo. Naiwan yung ilang gamit na nila. Pinulot ko, nilagpasan sila mama at sinundan ko sa labas ng simbahan. Di ako umalis hanggat di pa umaalis yung tricycle.
Bumalik ako sa loob ng simbahan na mabigat ang pakiramdam. Putang ina. Sorry. Pero puta talaga. Natapos ang misa na gustong kong titigan ng masama yung mga nasa tabi namin. Pati pamilya ko.
Sinabi ko kina mama yung sama ng loob ko bago kami lumabas. Di ko na kaya e. Sabi ko, di man lang kayo lumingon.
Sabi ni mama. Dapat daw di magpanic kaya pinagdarasal niya daw ang Lolo habang nangyayari yun. Tang ina, sa isipisip ko.
Sagot ko, nasa likod niyo mismo! Sa likod niyo lang! Paano kong sa inyo yun nang yari anong mararamdaman niyo na tinatalikuran lang kayo ng mga tao.
Sa dami ng gusto kong sabihin napaiyak na lang ako at naunang lumakad pauwi.
Nakikiusap ako. Walang masama sa pagdarasal, pagsisimba, pero sana naman wag maging bulag.
Nagbibigay kayo ng pera sa simbahan para sa nangangailangan pero yung humihingi ng tulong sa inyo sa MISMONG likuran di niyo man lang nilingunan.
Ang sama lang talaga ng loob ko. Daming hipokrito sa mundo.
UPDATE: Matapos yung incident kanina, di muna kami nagpansinan sa bahay. Kinatok ako ni mama sa kwarto, nabigla lang daw kasi sila, tapos binigyan ako ng fries. Pampalubag loob daw saken, nakakatakot lang na isipin na may nadiskubre akong ganung ugali mula sa magulang ko pa mismo. Tong tatay ko naman sobrang no comment.
Para sa comments, di ko po sinasabing perpekto ako at di hipokrito. Nadala ako ng emosyon ko kanina kaya mali choice of words ko. Religious hypocrite po pala, sorry.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 6 years ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/Philippines...