This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
I received the same call and a same scenario today. Someone texted me, “on the way na kami” from an unknown number. So nag reply ako, “sino po sila?” Then maya maya tumawag. Claiming she’s Superintendent Sheila Mae Cansoy from NCRPO Taguig. May nag file daw ng kaso sa akin which is Estafa, nag kaso daw sakin is Attorney Meynardo Bautista. Takang taka ako kasi ngayon lang ako nakatanggap ng call tungkol sa utang, tapos aarestuhin agad ako?
Binigay yung number nung attorney daw. Tinawagan ko. Cinonfirm ko ano ung kaso, bakit may kaso. Wala siyang mabanggit na company or what. Then I remembered I have an existing balance sa Maya Credit. Kaya natakot na ako. Alam ko walang nakukulong dahil sa utang, pero nanginginig na ako takot. Sinasabihan ako ni Mama na ibaba ko na ung call kasi bogus daw yun then narinig ni “attorney” sabi nalang niya, “sinasabihan na ho kayo ng kasama niyo diyan, magkita nalang tayo sa korte ngayong araw”. Then binaba na niya. Sabi ni Mama bayaran ko na daw yung existing balance ko sa Maya para wala nang masabi. And pag may dumating daw sa bahay wag daw ako lalabas siya daw ang haharap.
Sa sobrang takot ko, sinearch ko yung pangalan nung police, wala akong makita. Then sinearch ko ung attorney, eto nakita ko ung post sa facebook. Same scenario, so I am guessing this is a new scam na nauuso ngayon?
Ang hirap kasi wala ako knowledge sa ganitong mga bagay. Na siguro kung di ko nakita ang post na to, at may pumunta sa bahay baka sumama na nga lang talaga ko. This is a warning to everyone na, mabuti nang may alam at aware sa mga ganitong bagay. Ingat po tayong lahat!! 🫶
*nanginginig parin ako sa takot ngayon, ayoko makulong 😭
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 month ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- i.redd.it/t8pmu1hit64e1....