This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Tamaan ang dapat tamaan sa post na to. Ni generalize ko para tumatak sa inyo. At ni tag ang Filipinos nang masunod ang guidelines ng sub na to.
Tuwing gagamit ng Public Comfort Room (CR), bihira lang yung malinis talaga. Either may taga linis or may bayad yung CR na yun kaya malinis. Pero kadalasan laging Madumi, mapanghi, may kalat, may dumi, di na flush, basa, walang tissue, may marka ng tapak sa toilet seat, may dura dura, kalat na bulbol, worst is may tae sa floor.
Pero pagdating sa sariling CR sa bahay, mas malinis. Pero yung pag gamit ng Public CR, di man lang courteous enough to flush or i aim ng tama yung ihi sa toilet bowl.
At as a sirain ang tiyan, as much as possible ayaw ko gumamit ng Public CR pero syempre nature calls, laging handa sa alcohol at wipes. Para yung uupuan ko malilinisan ko pero kadiri pa rin. Pang 7 out of 10 palaging di malinis ang Public CR. Lalo na sa mga matataong lugar. Minsan sa opisina nagchichismisan pa sino salarin sa kadugyutan sa CR. At ang hirap din magpigil ng Poop ah at paabutin sa bahay. Yung minutes parang hours ang feeling. Pero pag gumamit at nakapoop na ako sa Public CR na madumi... okay na... nailabas ko na... pero as a hygienic person, parang may kasamang post-nut clarity yung feeling (sa pag poop to ah sa public CR). Hahaha. Na parang sana di ako tumae doon pero wala e nagawa kona at least nairaos ko.
Sana ma educate or maturuan din tayo maging malinis sa kapaligiran. Proper hygiene ba. Di yung kadugyutan sa paligid ang alam at ginagawa natin.
Edit: di naman lahat ng Filipinos sinasabi ko ang dugyot lang, marami din naman ibang lahi. Sentiment ko lang to dito sa r/PH and dapat related sa PH kundi this will be deleted.
And tama kayo di lang naman sa Pinas ganyan meron rin sa iba bansa. Pero you are comparing us sa mga first world countries? Sample na lang sa malls, maintained palagi yun ah pero marami pa rin dugyut gumamit, may tissue sabon at tubig na nyan ah. Pero di manlang maiflush.
Ang akin lang sana wag pa rin dugyut despite na may malinis na CR tayong nagagamit.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 year ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/Philippines...