This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
So kanina, I was invited by my co-worker sa previous work ko sa bday celebration ng dating TL namin sa may Fairview. I said yes naman since I just had a bad experience with this guy and a friend. Just to forget about the problem pangsamantala, pumayag na ako na jumoin sa kanila.
So nasa party na nga kami and kamustahan, update about life and siyempre kainan. I noticed na mas marami pa yung handang lumpia kaysa ibang variant. May spaghetti, caldereta, cakes, fried rice, chopsuey, fish na may mga tomatoes and onions sa loob (relyeno ba tawag dun?), then the controversial lumpia.
So sabay kami ng friend ko na kumuha ng food. Napabulong ako sa friend ko and asked “kaloka! Bat ang daming lumpia?” Then my friend answered “sis! Mamaya kase Sharon Cuneta na yang mga yan!” I was clueless sa part na yun. Then I asked “bakit? Kumakanta ba yang mga yan?” Then she laughed so loud na nakatingin na samin yung mga guests. Then my friend told me “gaga! Yung kanta ni ate Shawie na bituing walang ningning!” I know the song pero I still don’t get it. Then kinanta na ng friend ko yung song na “balutin mo ako sa liwanag ng iying pagmamahal” tbh, it took me like 30 minutes para magets lang yun. We were eating na then I started laughing to death then yung tl namin before lumapit then asked me kung napano ba raw ako. So I told him why maraming lumpia yung niluto nila then my tl was like “oo! Yun na nga para hindi magkaroon ng shortage ng lumpia” tawang tawa talaga ako promise!
So heto ka na nga at uwian na at inobserve ko yung ibang guests at may dala silang mga plastic and went to the buffet area where the lumpia is and isa isa na silang nag dadakot ng lumpia. Then my friend asked me if kung nagets ko na ba talaga and I responded yes.
Masarap naman talaga kase yung lumpia tbh. Hindi ko naman din masisisi yung mga tao kung bakit sila nagbabalot para makauwi ng lumpia. Now pauwi na ako and may lumpia akong dala and spaghetti na binalot ng tl namin for me and mom. Salamat naman. Hehe.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 year ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/Philippines...